Daniel Padilla , natotorpe kay Kathryn Bernardo

Daniel Padilla , natotorpe kay Kathryn Bernardo

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaANG ALAM ko, hindi torpe sa babae ang mga Padilla. Ang tinutukoy namin ay itong si Daniel Padilla na kung 100% dugong Padilla siya tulad ng tiyuhin na si Robin at ama na si Rommel, wala yata sa bokabularyo nila na mahihiya or mahiyain pagdating sa babae.

Pero during the press launch ng pelikulang Crazy Beautiful You na pinagsasamahan nina Daniel at Kathryn Bernardo, diyahe to the max pa rin ang binata kapag dine-detalye na niya ang tungkol sa “friendship” nila ng dalawa.

Sa katunayan, hiyang-hiya siya na ikuwento tungkol sa development ng pagmamahalan nilang dalawa. Pumipilipit na payuko na parang gustong tumangging sagutin ang tanong sa kanya about Kathryn. Ewan ko kung saan nakuha ni Daniel ang ugaling pagka-torpe sa babae, kahit alam naman niya na gusto rin naman siya ng dalaga.

Actually, kilig to the bones and more kilig kapag pinapanood mo si DJ habang ang dalaga naman behave lang. Imbis ang dalaga ang magiging mahiyain, ang binata pa ang sobrang nahihiyang pag-usapan ang babaeng gusto niya at mahal niya.

Sa katunayan, kung may gustong i-share si Kathryn sa press tungkol kay DJ, diyaheng-diyahe ang binata. Ewan ko kung bakit ganu’n na lang ang reaction ni DJ about Kathryn. The fact na gusto naman niya ang dalaga, ewan ko kung ano ang pumipigil sa binata na ipagsigawan at ipagmalaki na si Kathryn ang one and only girl na mahal na mahal niya.

Sa pinagkikilos ni Daniel last Thursday sa press launch, hindi tatak-Padilla ang diskarte ng binata pagdating sa panunuyo sa dalaga. Wala siyang sinabi pagdating sa babae tulad ng ama at ng tiyuhin.

Si Daniel, torpe pala.

Reyted K
By RK VillaCorta