Daniel Padilla, nasa tamang edad na raw para magka-syota

ADVERTISING

Daniel Padilla, nasa tamang edad na raw para magka-syota

Daniel Padilla, nasa tamang edad na raw para magka-syotaIBA KUNG i-describe ni Daniel Padilla ang relationship nila ni Kathryn Bernardo. May lalim, alam mong napaka-special para sa kanya ang dalaga. Sa body movement ng dalawa, walang kaduda-dudang may namamagitan na sa kanila, sila lamang ang nakakaalam.

Sa tono ng pananalita ni DJ, very confident ito na dyowa na nga niya si Kathryn. Hindi man diretsong inamin ni Daniel, matalinhaga ang mga binitawan niyang salita sa amin. Nasa tamang edad na raw siya para magka-syota. Ibig sabihin, si Kath ang tinutukoy niyang dyowa ngayon.

Pero kung si Kathryn ang tatanungin mo kung ano ang status ng kanilang relationship? Sasabihin ng dalaga na masyado na silang relax ni Daniel sa isa’t isa. Happy siya na ang binata ang naging leadingman niya at palagi niyang kasama. Ultimo amoy ng young actor alam ng dalaga kung anong perfume ang gamit nito. Gustung-gusto nga ni Kath ang amoy ni Daniel at napakalinis raw nito sa katawan, palaging mabango sa paningin niya.

Hindi lang sa shooting nagkikita sina Daniel at Kathryn, madalas din si DJ sa bahay ng young actress. May blessing ang mother ni Kath na bisitahin siya ng young actor. Sa totoo lang, mismong ang dalaga ang nagsabing magkasundo ang mama niya at si DJ. Botong-boto nga ito kay Daniel para sa kanyang anak dahil sa respeto, pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay ng anak ni Karla Estrada sa mag-ina.

ADVERTISING

Tuloy, walang kontrabida sa romansang Daniel at Kathryn, ‘di ba naman?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING