Daniel Padilla, namimili na ng kaibigan

ADVERTISING

Daniel Padilla, namimili na ng kaibigan

Daniel-PadillaPABABAYAAN NA lang at hindi kokomprontahin ng mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla ang kaibigan ng aktor na nagtraydor sa kanya at nagpakalat ng audio scandal. Sigurado raw kasing magdi-deny ang kaibigan ni Daniel kaya wala na silang balak pa na sitahin ito.

Ang mahalaga raw ngayon ay tapos na ang isyu at okey na rin sina Daniel at Kathryn Bernardo na sana ay matagal pang lalabas sa Be Careful With My Heart, kung hindi lang nila kinailangang magpunta ng ibang bansa para sa isang commitment.

Ayon sa kuwento ni Carla, kasagsagan ng bagyong Mario nang sumugudo siya sa bahay nina Kathryn para kausapin ang dalaga at ang nanay nito at ipaliwanag ang kanilang side of the story. Kaagad daw naman itong naintindihan ng pamilya ni Kathryn na lubos na ipinagpasalamat ni Karla.

Bumilib nang husto si Karla sa ginawang pagharap ni Daniel sa isyu. “Nakapa-proud ang anak ko. Matapang niyang hinarap ang isyu kahit alam niyang may mga taong hindi makauunawa sa kanya,” sambit pa ni Karla.

ADVERTISING

Dahil sa nangyari, naging very careful na si Daniel sa kanyang mga ikinikilos at sa pagpili ng magiging mga kaibigan. Mas napatunayan din daw niya ang kabutihan ng kalooban ng ka-loveteam dahil hindi siya nito hinusgahan sa kabila ng mga nangyari.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING