Daniel Padilla, nakikialam sa outfit ni Kathryn Bernardo?!

ADVERTISING

Daniel Padilla, nakikialam sa outfit ni Kathryn Bernardo?!

Daniel Padilla, nakikialam sa outfit ni Kathryn Bernardo?!NAKARATING SA amin na mahigpit daw na ipinagbabawal ni Daniel Padilla ang pagsusuot ng maiiksing palda at shorts at mababang neckline ng blouse ng kanyang rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo.

ADVERTISING

Kadalasan daw, ‘pag magkasama ang dalawa sa isang project, for example, sa taping ng kanilang bagong teleserye na Got To Believe, sa ASAP, o sa iba pang shows na magkasama sila, ipinapa-approve pa raw sa binata ang outfit ng dalaga bago ito makita ng ibang mga tao.

Ang biru-biruan pa nga raw ng mga nag-aayos kay Kathryn, “kailangan muna raw Daniel Padilla, nakikialam sa outfit ni Kathryn Bernardo?!ipa-approve kay mayor ang suot nito.”

Ayaw rin daw ni DJ (palayaw ng anak ni Karla Estrada) na makapal ang make-up ni Kathryn kapag may personal na lakad sila sa araw.

ADVERTISING

Ang gusto raw ni Daniel ay fresh look, natural at simple lang ang itsura ni Kathryn na halos walang make-up kung maaari.

‘Di rin daw bet ng young actor na naka-short shorts ang young actress.

 Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING