Daniel Padilla, nakatikim na ng unang best actor award!

ADVERTISING

Daniel Padilla, nakatikim na ng unang best actor award!

Daniel Padilla, nakatikim na ng unang best actor award!
Daniel Padilla

TINANGHAL na Best Actor sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Movies si Daniel Padilla para sa pelikula niyang Barcelona: A Love Untold kasama si Kathryn Bernardo.

Halatang emosyonal ang bida ng La Luna Sangre habang tinatanggap best actor trophy at nagpapasalamat sa miyembro ng PMPC. Ang naturang best actor award ang kauna-unahang acting award na nakuha ni Daniel.

Ayon pa sa binata, hindi porket at na-recognize na ang kakayahan niya bilang aktor ay mahusay na siyang aktor. Marami pa raw siyang dapat matutunan.

Ang loveteam din nila ni Kathryn Bernardo ang nanalong Loveteam Of The Year para pa rin sa Barcelona.

ADVERTISING

Samantala, wagi rin si Luis Manzano bilang Darling of the Press. Si Joshua Garcia naman ng pelikulang Vince & Kath & James ang tinanghal na Best New Movie Actor of the Year.

Wagi rin si Xian Lim ng Best Supporting Actor para sa pagganap niya sa Everything About Her at winner din si AnaCapri ng pelikulang Laut ng Best Supporting Actress.

Congratulations to all the winners!!!

 
 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING