Daniel Padilla, nakabibilib ang pag-amin sa pagkakamali

ADVERTISING

Daniel Padilla, nakabibilib ang pag-amin sa pagkakamali

Daniel-PadillaAMINADO SI Daniel Padilla na siya nga ang nasa controversial audio-video recording na kumalat sa social media recently.

Napahanga kami ni Daniel sa kanyang admission. Sinabi niyang isang kaibigan niya ang nagpakalat ng audio-video.

“Wala, eh. Ganon talaga eh. We’re not really that close pero still a friend. Hndi ko naman alam…Ewan ko. Nangyayari talaga. Okay na ‘yon,” say Teen King sa isang recent interview.

Amidst the brouhaha, nakuha pang magpaalamat ni Daniel dahil merong lesson learned sa issue sa kanya.

ADVERTISING

“Nagpapasalamat na lang ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng ganitong problema. Nagpapasalamat ako dahil natututo ka  sa mga pagkakamali.”

Of course, todo-pasalamat din ang binata sa KathNiel fans.

“Sobrang thankful (ako) na ang dami kong nakita na totoong tao sa akin, lahat ng mga sumuporta sa akin talagang thankful (ako).”

Ang gusto lang mangyari ni Daniel ay ‘wag nang idamay pa ang ibang tao sa kanyang pagkakamali. Nadamay kasi ang magdyowang sina Sam Concepcion at Jasmine Curtis-Smith sa issue.

“Me request lang pala ako,’yung ibang tao, ‘yung ibang nasangkot, ‘wag na nating idamay dahil ako mismo ang nahihiya.”

Inamin din ng binata na napatawad na siya ni Kathryn Bernardo.

“Alam naman natin na talagang nalungkot din talaga si Kathryn dahil misunderstanding, eh. In-explain ko na lahat. Naintindihan niya naman. ‘Yung yakap na ‘yon ay talagang pagpapasalamat na pinatawad niya ako.”

Marami ang bumilib sa pag-amin ni Daniel at isa na kami roon.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING