Daniel Padilla, naka-anim na halik kay Kathryn Bernardo sa kanilang pelikula

ADVERTISING

Daniel Padilla, naka-anim na halik kay Kathryn Bernardo sa kanilang pelikula

Daniel Padilla & Kathryn Bernardo
Daniel Padilla & Kathryn Bernardo

Dumagundong sa lakas ng tilian ang loob ng Dolphy Theater, kung saan nagkaroon ng block screening ang DJPTFC, sa anim na kissing scenes nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa “Barcelona: A Love Untold” ng Star Cinema mula sa na direksiyon ni Olivia Lamasan.
Matured na Kathryn at Daniel na nga ang napanood namin dito. Malayung-malayo na nga ito sa mga naging proyekto ng Teen King and Queen. Mapanonood dito ang husay at lalim ng pag arte nina Daniel at Kathryn. Pero hindi pa rin dito mawawala ang kilig na hatid nilang dalawa.
Bukod kina Kathryn at Daniel mahusay rin ang naging performance nina Aiko Melendez, Joey Marquez, Ricky Davao, Maria Isabel Lopez, at Joshua Garcia.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING