Daniel Padilla, nagpahiwatig na sila na nga ni Kathryn Bernardo

ADVERTISING

Daniel Padilla, nagpahiwatig na sila na nga ni Kathryn Bernardo

Kathryn Bernardo And Daniel Padilla
Kathryn Bernardo And Daniel Padilla

Isa pang relasyon na super-duper na sinusundan ng publiko ay ang “relasyon” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung papaano ko ita-tag ang “relasyon” ng dalawa gayong wala namang kumpirmasyon na sila na nga. Kapag kayo na kasi, ang may relasyon ay may admission. May label na. Hindi na uso ang salitang “special friends”, BFF, at kung anu-ano pa.

Hindi ko talaga maalala kung sina KathNiel ba ay umamin na nang hayagan kung sila na nga ba talaga.

Sa presscon ng pelikula nilang “Barcelona: A Love Untold” recently, hindi pa rin inamin ng dalawa na mag-boyfriend-girlfriend na sila, pero ang hawak ni Daniel sa binti ni Kathryn ay sapat na para mag-conclude kami na may “something” between the two.

ADVERTISING

Sa “Gandang Gabi Vice” ni Vice Ganda last Sunday (September 18), may revelation naman kaming nalaman.

Dati si Daniel pala ang seloso, kumpara kay Kathryn.

“Mas ako na ‘yung nagseselos,” pag-amin ni Kathryn sa show ni Vice Ganda.

Sa pagkaselosa ni Kathryn, bawal na kay Daniel na magka-crush sa local female celebrities. Okey lang sa dalaga na magka-crush ang binata sa international stars.

Usapan din nina KathNiel na hindi pupuwedeng iba ang magiging ka-partner nila sa susunod nilang project.

Say ni Daniel, “I think hindi pupuwede ngayon. Hindi lang para sa amin, kundi para rin sa mga fans.”

Pero kailan kaya sila aamin publicly para once and for all ay matigil na ang mga katanungan ng fans nila. Sabi ng binata, “Aabangan n’yo ‘yung pag-amin.”

Pero may hirit si Vice Ganda na hindi rin mapakali at hinihintay ang kumpirmasyon tungkol sa relasyon ng dalawa. Nang sabihin ni Vice Ganda sa binata na, “Mag-dyowa na sila, pero hindi pa nila aaminin.” Agad-agad na nag-thumbs up sign ang binata, na hindi man diretsahang sinabi na sila na ni Kathryn, ang sign na ‘yun ay sapat nang kumpirmasyon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING