Daniel Padilla, naghahanda na sa second concert

ADVERTISING

Daniel Padilla, naghahanda na sa second concert

Daniel-PadillaSINCE TAPOS na ang top-rating teleserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na Got To Believe sa ABS-CBN, tulUy-tuloy na ang rehearsals ng young actor na nagsimula last thursday para sa kanyang birthday at second concert na Dos na muling gaganapin sa Big Dome on April 30.

Bago ang concert, nakatakda munang umalis ng bansa si DJ (nickname ni Daniel) para sa ilang international screenings ng last Metro Manila Film Festival horror movie nila ni Kathryn na Pagpag.

Hopefully this week daw ay p’wede nang magbenta ang Araneta Coliseum ng kanyang concert tickets na malamang ay mabilis na namang maso-soldout, dahil sa napakaraming supporters ng anak nina Karla Estrada at Rommel Padilla.

Abangan natin muli kung ano ang magiging partisipasyon ng mga magulang ni Daniel sa kanyang concert, pati na rin ang espesyal na babae sa kanya na si Kathryn.

ADVERTISING

Nakita namin sa Instagram at Facebool accounts ni Karla na may song/s ng international singer na si Michael Buble ang kakantahin ni DJ.

Incidentally, si Daniel pala ang nakabili ng malaking black Savanna van ni Angel Locsin na ngayon ay ibinebenta n’ya na rin daw, dahil bumili raw ito ng brand new, mas malaki at mas mahal na model ng Savanna van din. Sobrang big time na talaga ng bagets na ‘to!

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING