Daniel Padilla, milyones na ang TF?!

ADVERTISING

Daniel Padilla, milyones na ang TF?!

Daniel Padilla, milyones na ang TF?!MATAPOS MAGKASAMA sa isang TV commercial ng magtiyuhing Robin at Daniel Padilla, ang ina naman ng huli na si Karla Estrada ang kasama nito sa pinakabagong emdorsement nito na palaman sa tinapay.

Tuluy-tuloy pa rin talaga ang suwerte sa career ngayon ng young actor, kaya pati ang nanay niya ay gumanda muli ang lagay sa showbiz.

Hindi na kami magtataka kung unti-unting dumami ang kanilang properties at mga sasakyan, dahil sa tinatamasang kasikatan ni DJ (palayaw ni Daniel) sa kasalukuyan na talagang napakasipag daw magtrabaho, kahit bata pa.

Kung sa bagay, mabait na anak daw talaga si Daniel ever since, gaya rin ng iba pa niyang mga kapatid, tsika ng mga nakakausap namin na matagal nang kilala ang mag-iina.

ADVERTISING

Sa katunayan, ang ipinapagawang bahay raw ni Daniel sa isang exclusive subdivision sa Quezon City na nagkakahalaga raw ng P12-M, ayon sa aming very reliable source, ay regalo niya raw sa kanyang butihing ina.

Nabalitaan din namin na balak daw bumili ng bagong sasakyan na Range Rover ang binata para gamitin sa kanyang mga taping at shooting.

Ang kanyang sports car na Dodge Challenger naman daw ay ginagamit ni Daniel kapag may ASAP guesting siya, dahil gusto niya raw na nakapagda-drive naman siya paminsan-minsan.

Daniel Padilla, milyones na ang TF?!Home buddy lang daw talaga ang ka-love team at rumored boyfriend ni Kathryn Bernardo at hindi mahilig gumimik.

Pagkatapos daw ng trabaho ay umuuwi agad ito sa bahay nila at nagpapahinga na.

Kung minsan daw ay nagba-basketball lang si DJ bilang exercise kasama ang kanyang non-showbiz friends.

Pero how true na napapadalaw daw minsan sa bahay nina Daniel ang dalaga kasama ang mommy nito kung saan sila nagkaka-kuwentuhan?

We heard, kakatapos lang daw ng ipinatayong bahay ni Kathryn sa Commonwealth area sa Quezon City rin.

Speaking of bagong bahay, naulinigan din namin na bumili raw ng brand-new house and lot si Karla recently sa kanilang probinsya sa Tacloban City nang umuwi ito roon last weekend lang para sa taunang fiesta.

Para raw sa kanyang pinakamamahal na ina ang nabiling bahay at lupa ng aktres na kung hindi kami nagkakamali ay nagkakahalaga raw ng P3.5 million!

Gaano naman kaya katotoo na ang combined talent fee raw nina Daniel at Karla sa nasabing TVC ay tumataginting na walong (8) milyong piso lang naman?!

Pero ‘di hamak na mas malaki raw ang para sa young actor kaysa sa mother dear nito.

 

GINANAP PALA ang mall tour ng buong cast ng teleseryeng Dugong Buhay last Sunday afternoon sa Robinsons Dasmariñas, Cavite.

Pero after daw ay nagkayayaan ang mga ito na mag-dinner at mag-bonding sa bahay nina Arjo Atayde na anak nina Sylvia Sanchez at businessman na si Papa Art Atayde sa Quezon City.

Si Lito Pimentel daw ang may pasimuno ng yayaan sa tahanan ng batang aktor, dahil ibinida raw ng una na masarap daw lagi ang lutong bahay kina Arjo.

Kadalasan nga raw, ang baong pagkain ng binata sa kanilang taping ay hindi para sa kanya, kundi para sa marami.

Maging ang mga kasamahan daw ni Sylvia sa primetime teleserye na Apoy sa Dagat sa pangunguna ni Angelica Panganiban ay nagbabalak din daw magsalo-salo at magkatuwaan sa bahay ng una.

Malamang ay isama pa raw ni Angelica ang kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz sa magaganap nilang salo-salo soon, dahil mahilig daw itong kumain at talagang hindi mo raw makakausap nang matino ang mahusay na aktor kapag nagustuhan nito ang pagkakaluto ng lafez (pagkain) na kanyang kinakain.

 

ABANGAN ANG paglabas ni Vice Ganda bilang tikbalang sa teleseryeng Juan Dela Cruz next week!

Magkaka-engkuwentro kaya sila ni Juan o ang kanyang bestfriend in real life na si Coco Martin?

Nakapag-taping na ang komedyante (na fresh na fresh pa from their show in Hawaii) nitong Miyerkules lang pagkatapos ng It’s Showtime!

Malalaman kung isang malaking challenge para sa Unkabogable Star ang pagganap bilang tikbalang, hahaha!

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING