Daniel Padilla, “may libog” na sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo

ADVERTISING

Daniel Padilla, “may libog” na sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo

Daniel Padilla And Kathryn Bernardo
Daniel Padilla And Kathryn Bernardo

Sabi ng mga nakapanood na ng rushes ng pelikulang “Barcelona: A Love Untold” ng Star Cinema, ibang level na raw ang acting ni Daniel Padilla.

Nag-level up na, ‘ika nga. Hindi na siya ‘yong totoy na pa-cute na lang ang acting at p’wede nang pumasa.

Hindi na siya yong tipong Daniel na napanood natin sa past movies niya like ‘yong “She’s Dating A Gangster” o ‘di kaya’y sa kilig movie nila ni Kathryn na “Crazy Beautiful You” na dinirek ni Mae Cruz Alviar na parang romance-comedy.

Sa bagong pelikula ni Daniel na ka-partner ang kanyang “sweetheart”, mas “may libog” ang dating niya sa pelikula.

ADVERTISING

Sa statement ni Direk Olivia Lamazan na mataas ang “sexual tension” sa mga eksena ng binata sa pelikula, iisa lang ang ibig sabihin nito, “may libog” na si Daniel sa kanyang mga eksena and no less than si Kathryn ang katuwang niya para maitawid ito.

Sa guwapong mukha ni Daniel, ilusyon ng mga beki, kahit no touch sa binata ay mag-o-orgasm na sila. “What more kung totoong may ganap? Watch ko ito agad-agad. Sabi, bongga raw si Daniel sa love scene nila ni Kathryn na kebs ko naman sa girl,” pahayag ng isang parlorista na katsika namin last weekend habang nagpapa-pedicure kami.

With Daniel’s new guwaping look na ala-Johnny Depp, sino ang hindi mag-iilusyon sa kanya? What more kung tulad ng pahayag ni Direk Olivia sa English statement niya na mataas na ang “sexual tension” sa mga eksena niya sa pelikula, na sa usaping kalye, ang binata ay “may libog” na at hindi na bata si Daniel.

Agree?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING