Daniel Padilla, masyadong mayabang!

ADVERTISING

Daniel Padilla, masyadong mayabang!Daniel Padilla, masyadong mayabang!NAGULAT SI Benjamin Alves nang masulat sa isang tabloid abroad na iniiwasan niyang makinig sa music ni Daniel Padilla.

Kaagad nag-deny si Benjamin sa kanyang Twitter account about the issue.

“I was never interviewed for this Dubai tabloid magazine. Surprised just as much as you guys. Sorry for all who read this bogus interview,” sabi niya sa kanyang Twitter account.

Music-based lahat ng questions na lumabas sa Dubai tabloid about Benjamin.

When asked on what song in his list ang palaging nasa repeat mode ay One Way or Another by One Direction daw ang naging sagot ni Benjamin as it was “a great song. Love playing it over and over again.”

ADVERTISING

The song that makes him move is “Gentleman by Psy”.

“Not as great as Gangnam Style, but still makes me move,” sabi raw ni Benj.

Easily, ang Payphone by Maroon 5 daw ang kakantahin ni Benj kapag pinakanta siya sa karaoke.

And when asked about the track that he would want to skip ay ang Nasa Iyo Na Ang Lahat by Daniel Padilla raw ang isinagot ni Benjamin.

“Try listening to it, or any song of his, and you will know why,” sabi pa raw ni Benjamin.

We really don’t think that Benjamin will say that. He’s highly educated and he will not say anything that would demean other people.

 

Daniel Padilla, masyadong mayabang!HINDI RAW mayabang si Daniel Padilla. Siya lang daw ang tipong hindi paaapi.

But there’s no denying the fact that Daniel’s “Mag-a-Araneta ba sila?” and ‘Bakit? Double platinum ba kayo?” rants is replete with KAYABANGAN.

Hindi na niya dapat sinasabi ‘yon sa kanyang interview. Sandali pa lang siyang nakakatikim ng success, eh, parang ang taas-taas na niya.

‘Wag kang malunod sa isang basong tubig, Daniel. You may be a star now, but you will not be a SUPERTAR!

Masyado kang mayabang. How about konting humility na seemingly ay hindi yata naituro sa iyo ng madir mong starlet na si Karla Estrada.

Ang daming nasa position ni Daniel before but they never had the temerity to behave like what Daniel did. They never issued statements ng katulad ni Daniel na para bang siya ang pinakasikat sa buong showbiz.

 

NANG-AASAR BA si Claudine Barretto when she posted two photos ng Porsche car ng kanyang asawang si Raymart Santiago?

Parang ito kasi ang dating matapos magpahiwatig si Gretchen Barretto na Claudine did something to Raymart’s Porsche.

One photo showed the back portion of the controversial Porsche and the other picture captured Claudine and her daughter Sabina while cleaning the car.

In her not-so-recent tweet kasi ay parang ipinahihiwatig ni Gretchen na Claudine did something on Raymart’s Porsche.

Ang daming sumuporta kay Claudine sa kanyang ipinost na photo sa Instagram.

I cant believe that the wife of a Rich Guy Mr. Tony Boy Cojuangco actually acts like a stupid Bitch against her sister.. tsk.. tsk.. tsk… And to think sarili nyang kapatid inaaway nya at Sya pa ang nakatatanda.. Parang di maganda kay La greta ang epekto ng pagiging isang sosyal.. She’s horrible.. Parang asal Squatter.. I cant believe it.. God blesss Ms. Claudine Barretto,” one fan wailed.

Gusto ka talaga nilang ibagsak… pero wag kang patatalo… iba yung nagbabash sa kanila tapos comments nila ikaw ang tinutukoy… omg kahit anong kasosyalan pa na photos ang post nila sa ig nila akala nila maiinggit ka sa kanila… eh yan lang naman ang ginagawa ng mga malungkot ang buhay ang mkipagsosyalan kunwari masaya pero sa lukod nito kabaliktaran… kaya idol be strong sa mga paninira ng mga kapatid mo may hangganan din yan… lahat na masasamang salita na sinabi nilang dalawa sayo balang araw babalik din yan sa kanila,” say naman ng isang defender ni Claudine.

Claudine naniniwala kami sayo! We love you! Im glad uve defended urself sa mga false accusations ng sisters mung mababait! Stay pretty n true clau,” pahabol pa ng isang fan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING