Daniel Padilla, mas naungusan si Kathryn Bernardo sa kasikatan

ADVERTISING

Daniel Padilla, mas naungusan si Kathryn Bernardo sa kasikatan

Daniel Padilla, mas naungusan si Kathryn Bernardo sa kasikatanKAHIT SIKAT ngayon ang loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, masasabing naungusan na ng young actor ang kasikatan ni Kathryn, dahil sobrang tinitilian na talaga ng mga bagets na fans ang pamangkin ni Robin Padilla, at maging ang mga kabataang lalaki ay bilib din sa mga katangian ng anak ni Karla Estrada, lalo na sa pagdadala ng kanyang porma, dahil cool na cool lang daw ang kaguwapuhan ng binatilyo.

Pero dapat tutukan muna ni Daniel ang loveteam nila ni Kathryn, dahil malakas talaga ang kanilang teleseryeng Princess And I ng Kapamilya Network. Maging ang Mommy ni Daniel na si Karla ay aminado rin na sikat na ang kanyang anak.  Pero napakabait daw ni Daniel, dahil kahit sikat na sikat na ang bagets ay hindi pa rin daw nagkakaroon ng pagbabago kapag nasa loob siya ng kanilang tahanan. Hindi raw ito umaasta na parang dapat siyang bigyan ng special treatment.  Dahil bongga na nga ang career, kapag daw umuwi ng bahay si Daniel ay halatang pagod at kailangan na talagang magpahinga. ‘Yun lang daw ang pagkakaiba sa ngayon.

Matigas at diretsong magsalita si Daniel, puna ng marami. Pero itinatanggi ni Daniel na ginagaya niya ang style ng kanyang tito na si Robin. Hindi lang daw talaga siguro maiiwasan na magkaroon sila ng pagkakahawig, at ito ay dahil sa kanilang pagiging magka-dugo. Hindi nga maligoy si Daniel kapag mayroon siyang nagugustuhang babae, dahil nailalabas niya kaagad ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng salita. Iyon daw ang isa sa mga katangian na namana niya kay Binoe.

 

ADVERTISING

AMINADO SI Shaina Magdayao na napakalaking tulong ng closeness nila ng kanyang sister na si Vina Morales sa kalungkutang kanyang naranasan dahil sa naunsiyami nilang relasyon ni John Lloyd Cruz. Hindi na kumpletong naipahayag ng bidang aktres ng teleseryeng Kung Ako’y Iiwan Mo ng ABS-CBN ang mga sakit ng kalooban na kanyang naranasan habang pinaglalabanan niya ang kanyang emosyon nu’ng kakahiwalay pa lang nila ni Lloydie, dahil ma-tindi nga ang suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang ate.

Nakita raw kasi ni Shaina ang sitwasyon noon ni Vina, kung saan ilang ulit din itong dumaan sa pagkakaroon ng mga bigong pakiki-pagrelasyon, na ang pinakamatindi ay ‘yung pagkakaroon nila dati ng ugnayan ni Robin Padilla na naging kontrobersiyal noon sa showbiz.

“Hindi na kasi kailangang sabihin pa ng Ate ko, na makakaya ko rin at kung ano man ang nangyari ay lilipas din. Kasi nga, nakita ko talaga sa kanya, na napakabata pa niya noon, pero naging matatag siya at nalampasan niya iyon,” wika ni Shaina.

Mayroong mga negosyo si Vina na pinagkakaabalahan bukod sa kanyang showbiz career. Tumutulong si Shaina sa mga negosyo ng kanyang ate sa ngayon. Kaya para sa magandang aktres ay positibo ang dating na kapag malungkot ka ay mas abalahin mo ang sarili mo sa maraming trabaho, para hindi ka magmukmok. Blooming na ulit ang byuti ngayon ni Shaina, palatandaang nakabawi na siya pagkawasak ng relasyon nila ni JLC. Pero hindi pa raw siya ready na pumasok ulit sa isang bagong relasyon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING