Daniel Padilla, malas sa mga kaibigan

Daniel Padilla, malas sa mga kaibigan

Daniel-PadillaONE FRIEND of Daniel Padilla is said to be the guy who hacked the actor’s Instagram account. Halos kapangalan pa ni DJ ang nang-hack diumano ng kanyang IG account, a guy named JD na sinasabing close friend ng actor.

It was not clear kung alam na ni Daniel na isang friend niya ang nang-hack ng account niya, what’s clear is that the guy is a known personality among KathNiel fans.

We also don’t know kung anong aksyon ang ginawa ni DJ kay JD, kung in-unfriend niya ito o in-unfollow sa IG nito.

The KathNiel fans were bashing JD. Talagang kaliwa’t kanan ang batikos na inabot ng binata.

There was one guy who said, “di mo alam kung gaano ka kasuwerte na kaibigan mo si DJ. Tapos sinayang mo lang.”

“Hi pls. balik mo na ig ni dj. Di ka papalain sa ginawa mo,” may himig pakiusap naman ng isang fan ni DJ.

“Parekoy baka nakakalimutan mo sina @robinpadilla at @omeng at ang buong Padilla clan. Kaya Goodluck sayo,” one fan said.

Kung true na isang friend ang nang-hack ng IG ni Daniel ay tila wala naman siyang suwerte sa kanyang mga kaibigan.

Noong una, pinakalat ng isa niyang kabigan ang audio-video ng conversations nila na naging dahilan upang magwala ang KathNiel fans. Nadamay pa si Jasmine Curtis Smith sa issue dahil siya pala ang pinag-uusapan nina DJ and his friends. Kumalat na parang inaagaw pa ni Jasmine si DJ kay Kathryn Bernardo.

Ang ipinagtataka lang namin, bakit friend pa rin kung ituring ni DJ si JD. They follow each other sa Twitter and Instagram. Pati nga ang madir ni DJ na si Karla Estrada ay friend din ni JD.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas