Daniel Padilla, magpapa-convert sa INC para kay Kathryn Bernardo?

ADVERTISING

Daniel Padilla, magpapa-convert sa INC para kay Kathryn Bernardo?

Daniel-PadillaHABANG TUMATAGAL, lalong lumalalim ang friendship mayroon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kahit sabihin pa nating may mutual understanding na nga ang dalawa. Palibhasa magka-loveteam at madalas magkasama sa taping at shooting, kaya lalo nilang nakikilala ang isa’t isa. Hindi maiiwasan ma-develop ang feeling na mayroon sila.

Malakas ang hatak nina Daniel at Kathryn sa mga fans, pinatunayan nila ito sa romantic-comedy seryeng Got To Believe na talaga namang sinubaybayan ng manonood. Maging ang pelikula nilang Pagpag ay naging blockbuster rin sa takilya. Agad sinimulan ng Star Cinema ang bagong pelikula nina Daniel at Kathryn na She’s Dating A Gangster sa direksiyon pa rin ng box-office director Cathy Garcia-Molina.

Nang dahil sa success ng tambalan nina Daniel at Kathryn, binansagan silang The Hottest Loveteam ng bagong henerasyon. Walang puwedeng pumantay sa kasikatang tinatamasa nila sa ngayon. Pati nga pagkakaiba ng kanilang religion ay naging sentro na rin ng usapan. Iglesia Ni Cristo si Kath, Catholic naman si Daniel. May paliwanag ang young star tungkol dito. Ang importante raw, pareho kayong naniniwala sa inyong religion. Kahit pa raw magkaiba ang kanilang pananaw, nirerespeto ninyo ang paniniwala nang bawat isa.

Hindi raw naging hadlang sa magandang samahan nina Daniel at Kathryn ang pagkakaiba ng kanilang relihiyon. Pero malaking factor para kay Kathryn ang religion. Teka, ma-convince kaya niya si Daniel na magpa-convert para patunayan nito kung gaano niya kamahal ang morenang dalaga?

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING