Daniel Padilla, kering makipagsabayan kahit kanino

ADVERTISING

Daniel Padilla, kering makipagsabayan kahit kanino

Daniel Padilla, kering makipagsabayan kahit kaninoMUKHANG ASTIG si Daniel Padilla. Sa itsura pa lang niya, may angas na. What more siguro kapag narinig mo na siya magsalita.

Peg niya ang tiyuhing si Robin Padilla. Pansinin mo ang tikas niya at galaw at Binoe na Binoe, kaya naman ang mga lalaking kasing-edad niya ay nayayabangan sa kanya.

Oo nga’t guwaping at kung hindi nga ba naman pogi si Daniel, ewan ko kung magugusthan siya ng ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.

Daniel Padilla, kering makipagsabayan kahit kaninoKaya nga click silang dalawa sa Princess and I at sa bagong romance-serye nila sa Kapamilya Network ang Got To Belive na magbabalik ng tambalan nila sa telebisyon.

ADVERTISING

Hindi man hayagang inaamin ng dalawa na sila na nga, basang-basa mo naman sa kanilang mga ikinikilos na may “love” na namamagitan sa kanilang dalawa.

Kung walang “something” between Daniel and Kathryn, magbibitaw ba ng salita ang binata na mapaghamon sa ibang mga lalaki na gustong dumiskarte kay Kathryn?

Promo man o true, dare ni Daniel sa may mga magtatangka kay Kathryn na ligawan ang dalaga na siguraduhin lang ng mga ito na, “Kung hindi nila ako mahigitan, mapantayan man lang nila,” kuwento ng isang nakarinig.

Si Daniel, kering makipagsabayan kahit kanino. P’wes, game!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING