Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sweet na ulit sa isa’t isa matapos ‘maghiwalay’

ADVERTISING

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sweet na ulit sa isa’t isa matapos ‘maghiwalay’

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaTUWANG-TUWA ANG fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil naayos na ang gusot sa pagitan ng dalawa at kitang-kita ito sa pagrampa nila sa The Naked Truth fashion show ng Bench sa MOA Arena last Saturday.

Habang binabaha ang Metro Manila nung Friday dahil sa bagyong Mario ay nagtrending sa social media ang “paghihiwalay” nina Daniel at Kathryn dahil sa isang babae. Pero ayon sa Kathniel fans, hindi ibang girl ang kausap ng binata sa cellphone na sinabihan pa niya ng “kinikilig naman ang tumbong ko sa tawag mo” kundi si Kathryn mismo. Masyado lang daw nabigyan ng ibang kahulugan ang nangyari kaya nag-react din nang todo ang Kathniel fans.

Sa Twitter may mga nag-post din #Kathniel Forever, #Kathniel Walang Iwanan at kung anu-ano pang message of support para sa magka-loveteam na inakala ng marami na maghihiwalay na nga.

After few hours ay may nag-post naman ng larawan nina Daniel at Kathryn na parehong namumugto ang mga mata. Hindi alam kung saan kuha ang naturang larawan.

ADVERTISING

Nung Bench fashion show na-confirm na okey na ulit ang magkalovetean. Kita sa mga Instagram photos ng dalawa na sweet na sila ulit na parang walang nangyari. Binigyan pa nga ng flowers ni Daniel si Kathryn habang nasa stage sila para rumampa.

Nakiusap naman ang nanay ni Daniel na si Karla Estrada sa mga naninira kay Daniel na tantanan na ang binata. Sey pa nito, mabait na tao si Daniel and you cannot put a good man down. Nagpasalamat din siya sa mga taong patuloy na sinusuportahan ang kanyang anak.

“Kokonti lang naman ang naninira kay DJ. Mas marami ang nagmamahal sa kanya,” sabi pa niya.

O ‘yan ha? Sa mga nag-aambisyong buwagin ang Kathniel, sorry na lang kayo. Manigas kayo. Hahaha!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING