Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, masusubukan ang galing sa bagong serye

ADVERTISING

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, masusubukan ang galing sa bagong serye

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, masusubukan ang galing sa bagong serye
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

SALUDO AKO sa sipag nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pagpo-promote ng kanilang bagong seryeng La Luna Sangre na magsisimula na mapanood  mamayang gabi pagkatapos ng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

 
Bukod sa grand presscon almost two weeks ago ay may bloggers conference pa sila; radio guestings a DZMM at MOR (FM station ng ABS-CBN); television guesting sa mga show ng Kapamilya Network.
 
May tatalo pa kaya kina KathNiel nang mag-guest umagang-umaga kanina sa morning show na Umagang Kay Ganda para sa interbyu ni Jeff Fernando?
 
Puna ko lang, mukhang nangayayat si DJ (palayaw ni Daniel) since the last time na nakita ko siya in peron sa grand launch nila.
 
Malamang dahil sa pagod at kulang sa tulog, siguradong laspag ang katawan ng binata.

Matagal na pala dapat ang La Luna Sangre project ng dalawa. Naudlot lang. Noong 2014 pa sana ito naka-schedule na serye ng loveteam nila after ng Got to Believe.
 
Aminado si Daniel na kabado siya sa kalalabasan ng serye at maging ang pagtanggap ng mga televiewers.
 
Kasi ba naman, sa unang dalawa serye sa franchise na Lobo at Imortal, malalaking artista ang mga bida. Sina Piolo Pascual at si John Lloyd Cruz lang naman na hindi matatawaran ang mga galing bilang mga artista.
 
Si Lloydie (as Mateo) at Angel Locsin (as Lia) na mga magulang ni Kathryn as Maila ay lalong makakadagdag sa challenge kina KathNiel lalo pa’t mg big stars ang sumusuporta sa kanila.
 
Kung pumalo sa rating ang Lobo at Imortal noong panahon ng dalawang serye, malamang sa unang gabi mamaya sa pagsisimula ng La Luna Sangre, pak na pak ito sa rating game.
 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING