Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kapansin-pansin ang ‘touch gesture’

ADVERTISING

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kapansin-pansin ang ‘touch gesture’

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaHINDI KO masyadong napansin ang napansin ng ibang reporters na nandoon sa press launch ng pelikulang She’s Dating The Gangster last week.        Si Daniel Padilla raw, palaging nakahawak sa legs (malapit sa knee) ni Kathryn Bernardo.

ADVERTISING

Tuwing nagsasalita ang binata, bukod sa titingin muna sa dalaga bago sumagot, sabay hawak sa legs ng dalaga ang binata.

I just don’t know kung ano ang ibig sabihin ng gesture na ‘yun. Hindi ko alam kung dahil comfortable na sila sa isa’t isa (sa tagal ba naman nilang pagsasama), hindi na nila napapansin ang ganu’ng gawi na para sa isang kaibigang psychologist, may ibig ipakahulugan itong ginagawa ni DJ sa sinasabing “girlfriend” na niya.

Maging si Kathryn, ganu’n din ang gawi during sa presscon. Bukod kasi sa titingin muna ang dalaga sa binata at ngingiti bago sumagot sa tanong sa kanya, hahawak din si Kathryn sa legs ng binata.

ADVERTISING

Oo nga’t “wala” silang relasyon tulad ng sabi nila. Sabi naman ng kaibigang psychologist namin, “Sila na ngayong dalawa, na hindi lang nila maamin verbally kung anong relasyon nila. Pero both of them are enjoying each moment na magkasama sila.

“Ganun naman ang reyalidad na there are times, we do not express publicly what we feel sa mga taong gusto natin. Pero may mga hand gestures or tawag ng iba ay touch gesture, it implies a personal closeness. Ang mga bata sa generation ngayon, hindi na rin uso sa kanila kung minsan ‘yong verbal confirmation na sige tayo na. Basta girlfriend or boyfriend kita. Kung ano ‘yong nararamdam nila, they show it sa kapartner nila,” kuwento ng psychologist na kausap namin.

In short, wala mang pag-amin mula sa dalawa (na aminin man nila o hindi na ma-on sila, ang ma “touch” gesture nila sa isa’t isa ay patunay lang na very personal na ang relasyon nila na hindi na kailangan na ideklara at ipagsigawan sa mundo na they love each other.

 

USAPING SOCIAL media ‘yong lumabas na litrato ni Daniel Padilla noong early years ng kanyang pagbibinata na may hawak ng bote ng beer at sigarilyo ay naging instant topic.

Ang peg, Daniel na Daniel na tipong “gangster” na siyang karakter niya bilang manliligaw ni Kathryn Bernardo sa bago nilang pelikula na She’s Dating The Gangster na palabas na come Wednesday, July 16 mula sa Star Cinema.

‘Yong picture na para sa amin, normal lang ang ganu’ng eksena sa mga kabataan natin ngayon na at an early age ay marami ang mga sinusubukan sa buhay.

Maging ang social media, nagre-react din (pero nakakatawa) sa sinasabing “bandana” look ni DJ (palayaw ni Daniel) na ang gustong i-project ng binata ay ang kanyang pagiging gangster pero para sa ilan ang sinasabi, nagmukhang ‘albularyo’ ang hottest male teen idol ng bansa.

Pero oks naman ‘yong bandana na nakatali sa long hair niya dahil ang mga bagets na mga Chicano (mga Mexican sa Los Angeles, California) karamihan sa kanila, nakabanda, na ‘yong iba with matching baseball cap pa na suot.

For us, oks lang ang “bandana” look ng pinakaguwapong “gangster” ng ‘Pinas ngayon.

Sa pelikula, kasama ang tambalan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING