Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, inisahan ang mga fans sa Italy?

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, inisahan ang mga fans sa Italy?

kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaGIGIL NA gigil sa galit ang isang Pinoy fan kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Nag-show kasi ang dalawa sa Teatro dal Verme sa Milan, Italy last January 4. Sina Minnie Aguilar at Boobay ang special guests at host si Andrew Ramos. Nakasaad sa ticket na ang nasa VVIP section ay merong limited meet and greet, free souvenies, photo op and CD signing. Ang feeling ng fan ay na-shortchange siya at iba pang Pinoy fans.

Lumabas sa Fashion Pulis ang hinaing ng fan. Nagbayad daw kasi sila nang malaki mapanood lang ang show nina Daniel at Kathryn pero hindi raw natupad ang mga nakasaad sa ticket.

The fan claimed na dapat ay 12 noon bubuksan ang gate sa venue pero 2 p.m. na ito binuksan. That said, inabot sila ng gutom sa paghihintay. And when the young stars came, thirty minutes lang silang nag-show.

Ang feeling ng fan ay naisahan sila. Kasi raw, thirty minutes lang daw ang itinagal ng meet and greet at nag-walkout na raw sina Daniel at Kathryn. Ang alam niya, kapag meet and greet ay isahan ang pagpapa-picture kina Daniel at Kathryn at hindi sampuan.

Hindi raw ma-take ng fan na nilayasan sila nina Daniel at Kath kahit marami pa silang nakapila para magpa-picture at magpa-autograph with the young Kapamilya stars.

Masakit ang sinabi ng fan na pera lang ang habol nina Daniel at Kathryn. Wala na raw manonood sa kanila kapag nag-concert pa sila roon dahil sa hindi magandang treatment nila sa fans. Ang say pa nito, kung wala ang fans ay wala rin naman ang dalawang young stars.

Easily, Kath and Daniel became dartboards of bashing dahil sa inilabas ng naturang website. Nalait ang dalawa, with one saying, “I can only imagine the disappointment of the fans. Kawawa naman. Kathniel, be considerate naman. Just because mayaman na kayo at sikat, you have no right to do that to your fans! Tandaan nyo, wala kayo sa kinalalagyan nyo kung di dahil sa mga fans! Deliver what you promised! Hard earned money ang pinambili sa mga tickets! Wala kayo pinag iba sa mga corrupt officials who take away taxpayers money!”

Meron namang nagtanggol sa KathNiel love team like this one guy who said, “I was in the show too.. i don’t think that we should blame it on kathniel.. it’s the management that sets their rules.”

“Utos ng organizers yan. The last time na nag out of the country sila pumayag si DJ magpapic sa isang fan kaya ayon pinagalitan sya,” say naman ng isa pa.

Ang feeling namin ay hindi sina Daniel and Kathryn ang dapat sisihin kung ‘di ang nagpapatakbo ng show o kaya ‘yung producer. Since nakasaad naman pala sa ticket na merong meet and greet at picture taking at CD signing, dapat tinapos ito at ginawa sa lahat ng VVIP ticket holders.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas