Daniel Padilla, kasikatan lang ang pantapat kay Jericho Rosales

Daniel Padilla, kasikatan lang ang pantapat kay Jericho Rosales

Daniel-PadillaWALA PA rin naman talagang tatalo sa popularity ng loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kaya walang puwedeng kumontra kung silang dalawa na ngayon ang magbida sa bagong bersiyon ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na dating pinagbidahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Napakahalaga para sa ABS-CBN ng nasabing teleserye, dahil hanggang ngayon, kahit sa ibang bansa, patuloy pang pinupuri ang pagkakagawa ng nasabing serye.

Puwedeng sabihin na kung igting ng acting ay wala pang itatapat si Daniel sa kahusayan ni Jericho nu’ng mga panahong si Echo pa ang nagbibida. Nagsisimula pa lang naman kasi si Echo noon sa kanyang career ay napansin na talagang magaling siyang umarte. Ang importante, ang pantapat ni Daniel ay ang kanyang kasikatan ngayon, dahil napakarami niyang fans, bata man o matatanda, lalaki man o mga babae.

Habang si Daniel ang nagbibida ngayon sa nasabing serye, bigyan niya ng kaukulang lalim ang kanyang acting at baka maikumpara siya sa kahusayan ni Jericho. Dapat niyang patuloy na ingatan ang kanyang hitsura, dahil nakababad gabi-gabi ang kanyang mukha sa telebisyon. Ingatan niyang wag tumaba, dahil iyan ang kalaban ng mga artista. Mahirap angguluhan ng kamera kapag tumataba na ang isang artista. Kung sa parte ng kanyang daddy na si Rommel Padilla, hindi sila tabain. Pero sa parte ng kanyang Mommy na si Karla Estrada, nakakakaba, dahil sila ay medyo lumalapad ang katawan.

ChorBA!
by Melchor Bautista