Daniel Padilla, kakaiba ang trip ‘pag walang ginagawa

ADVERTISING

Daniel Padilla, kakaiba ang trip ‘pag walang ginagawa

Daniel-PadillaKATUWA NAMAN itong si Daniel Padilla. Hindi pala siya ma-gimmick tulad ng ibang mga bagets na kaedad niya. Kung ang iba ay makikita mo sa malls at sa bars na gumi-gimmick kung walang ginagawa, si Daniel, iba ang trip.

ADVERTISING

Homebody lang pala ang hottest teen sensation at walang ginawa kundi ang maglaro ng basketball.

Last Monday, home based lang si DJ at maghapong naglaro ng basketball kasama ang mga kasambahay, hardinero at driver, pati ang mga kaibigang kapit-bahay.

Kaya nga masuwete ang ina niyang si Karla Estrada dahil walang sakit sa ulo ang binata. Kung walang taping or shooting, sa bahay lang si DJ. Maglalaro ng basketball at kung minsan kumakalikot ng kanyang cellphone.

ADVERTISING

After ng sagad-sagarang promo ng kanilang box-office hit film na She’s Dating The Gangster with “lady love” na si Kathryn Bernardo, two weeks na pahinga muna ang binata.

Sa Sunday, guest muli siya sa ASAP and by next week at kung walang aberya, baka magsimula na sila ni Kathrine ng bago nilang movie na idi-direk ni Olivia Lamasan. After ng medyo seryosong pelikula nila na SDTG, medyo magle-level-up na ang KatNiel with Direk Olive as their next director.

‘Pag nagkataon, ngaragan na naman ito para sa binata dahil bukod sa follow-up movie nila ni Kathryn, may sisimulan ding teleserye ang dalawa na remake ng isa sa mga hit telenovela ng Kapamilya Network noon.

As of this writing, hindi pa rin ma-pin point kung sino sa Parking 5 (dating banda ni DJ) ang salarin sa pagpo-post sa social media ng litrato niya na may hawak na beer at sigarilyo.

Sabi ng isang insider sa buhay ni Daniel, “Wala na ang Parking 5. Scrap na. Wala na. Solo na lang siya.”

 

PS. Sa pagmamadali namin na makapag-deadline para sa kolum namin last Monday, imbis na Twitter ni Vice Ganda, Instagram ang naisulat namin.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING