Daniel Padilla & Julia Barretto: When Showbiz Teen Royalties Fall in Love

ADVERTISING

Daniel-Padilla-Julia-BarrettoDANIEL PADILLA
Real Name: Daniel John Ford Padilla
Birth Date: April 26, 1995
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

JULIA BARRETTO
Real Name: Julia Francesca Barretto Baldivia
Birthdate: March 10, 1997
Zodiac Sign: Pisces
Symbol: The Fish
Ruling Planet: Neptune
Quality: Mutable
Element: Water
Basic Trait: I Believe
Closest Metal: Germanium and Strontium
Lucky Day: Thursday

LIFE IS not easy for Julia Barretto. Pagkatapos pagtaasan ng kilay sa pagbibida niya sa Mirabella ay pinuputakti naman siya ng mga haters dahil sa pagsasanib-pUwersa nila ni Daniel Padilla sa isang commercial. Hindi naman sweet-sweetan ang peg ng dalawa sa nasabing endorsement, pero wagas na panlalait ang natikman ng pamangkin nina Claudine at La Greta.
Si Daniel Padilla na siguro ang pinakasikat na teen actor ngayon sa Pilipinas. Ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo ay talaga namang kinakikiligan ng madla. No wonder possessive ang KathNiel fans sa dalawa.
Now that an endorsement caused much controversy, napansin tuloy namin na kung mabibigyan ng magandang project ay mukhang pUwede rin ang Daniel-Julia, huh! Sige, kung gusto ng madlang pipol na KathNiel onscreen, push lang. Pero kung offcam kaya ay puwede rinG magsama ang nakababatang Padilla at Barretto?
Ang Taurus at Pisces ay parehong malawak ang pag-uunawa, laid-back ang personality at may disposisyon sa buhay. Gusto nila na suwabe lang ang daloy ng mga relasyon nila mapa-pamilya man, kaibigan o kasintahan. Ang Toro ay maiinlab sa pagiging malambing, mabait at pakikiramay sa iba’t ibang tunguhin ng Isda. Sa kabilang banda, ang Isda naman ay mabibilib sa katapangan, lakas at kahusayan ng Toro.
Dumako naman tayo sa kanilang pagkakaiba: Mas tipo ng Taurus ang simpleng pamumuhay, samantalang magara naman ang peg ng Pisces. Masyadong maraming gustong gawin ang Pisces na umaabot sa puntong nawawala ito sa focus, samantalang naniniwala naman sa ‘one step at a time’ na kasabihan ang Taurus. Kahit pa ganito ang kanilang pagkakasalungat, masasabi naman na compatible pa rin ang dalawa dahil ang pagiging praktikal ng Taurus ang puwedeng dumisiplina sa paiba-ibang timpla ng Pisces.
Sa totoo lang, bongga ang tambalang ito! Isa ito sa magkapares na malaki ang potensyal na mauwi sa kasalan (ahem.. ahemm…). Mutual ang kanilang passion at susuportahan nila ang isa’t isa no matter what. Pareho rin silang romantic kaya walang magiging problema kung labing-labing time ang pag-uusapan. Ipararamdam ni lalaki na siya ang tunay na ‘knight in shining armour’ at parang prinsesa lang sa isang happily ever after ending na fairy tale ang peg ni ateh.

There you go! Meron naman palang rason para manginig ang mga loyalista ng KathNiel o kahit JulQuen sa kaganapang ito! With their showbiz and stars connection, JulDan may be an epic tandem! Puuussshhhh!

Pares-Pares

ADVERTISING

By Madam DaminDaniel Padilla & Julia Barretto: When Showbiz Teen Royalties Fall in Love

ADVERTISING