Daniel Padilla & Jasmine Curtis-Smith: Will It Stand A Chance?

Daniel-Padilla-Jasmine-Curtis-SmithJASMINE CURTIS-SMITH
Real Name: Jasmine Casandra Ojales Curtis-Smith
Birth Date: April 6, 1994
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram
Ruling Planet: Mars

DANIEL PADILLA
Real Name: Daniel John Ford Padilla
Birthdate: April 26, 1995
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus

ISANG NAKAKAWINDANG na video na naglalaman ng diumanong audio na pasikretong ini-record ng isang kaibigan o etchoserang froglet ang kumalat sa internet last week. Ang bida sa audio? Ang Teen Prince na si Daniel Padilla. The content? Not so good.
Hindi pa narinig ng inyong minamahal na madam-daming author ang kumakalat na scandalous audio, pero may mga nagsasabing nakakabigla daw ang mga salitang binanggit ng binata. Ayon sa mga nababasa namin sa samu’t saring websites, pinag-uusapan daw sa kumakalat na file ang real-life sweethearts na sina Sam Concepcion at Jasmine Curtis. Apparently, type pormahan ni Papa Daniel ang younger sissy ni Anne Curtis?
Paano na lang si Kathryn? Dahil likas na mapaglaro kami rito sa PP, let’s check kung may chance na maging sina Daniel at Jasmine dahil physically, bagay sila!
Palaging nagmamadali ang Aries, samantalang swabe lang kung dumiskarte sa buhay ang Taurus. Madaling mahulog ang isang Aries, habang ang Taurus naman ay mind of over heart ang peg sa pag-ibig. Maaaring magkaroon ng pagtatalo sa aspetong ito ng kanilang personalidad, ngunit maaari rin itong maging hudyat para makagawa sila ng epic love story!
Kung maibalanse nila ang kanilang differences, maaari pa nilang tulungan na punan ang kakulangan ng isa’t isa lalo na’t nasa ‘growing up’ stage sila. Ang pagiging impulsive ng Aries ay maaaring makatulong na ipa-relax ang napakaseryosong Toro. Maaari naman matulungan ng Taurus ang Aries na mag-set ng long term goals para naman hindi ito basta-basta gumogora sa kung anu-anong anik-anik sa life, huh!
Homebody ang lalaking Taurus, habang gala naman nang gala ang Aries na parang hindi mapakali. Maaari rin silang mag-away dahil sa pera. Hindi basta-basta gumagastos ang Taurus sa walang katuturang bagay, samantalang may gastadora side talaga ang Aries. Basta matutunan ng Taurus na ‘wag masyadong maging seryoso sa buhay at mapag-aralan din ng Aries na mag-seryoso nang kahit konti, maaaring tumagal ang relasyong ito. Wait… Malabo ba ang aming paliwanag? Tanong n’yo na lang sa korte. LOL.
Hmmm… so may chance nga ang Daniel-Jasmine kung sakali! ‘Di bale, mukhang ok din naman ang Sam-Kathryn. Swap partners din ‘pag may time! Ahihihi!

Pares-Pares

By Madam Damin

Previous articleNathan Lopez: Bumibigay Lang ‘Pag Kailangan
Next articleSimula na ang UAAP Season 77 Men’s Basketball Finals

No posts to display