Daniel Padilla, iwas pag-usapan si Julia Barretto

ADVERTISING

Daniel Padilla, iwas pag-usapan si Julia Barretto

Julia-Barretto-Daniel-Padilla SA PICTORIAL ng Pagpag, Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama sina Shaina Magdayao at Paulo Avelino, nagparamdam ng pasasalamat si Daniel pero hindi ito makapaniwala at nahihiya na nominado sa World Music Awards as World’s Best Male Artist para sa kanta niyang Nasa Iyo Na Ang Lahat. Co-nominees niya para sa nasabing kategorya sila Christian Bautista at Jed Madela at ang mga foreign artists na sina Justin Beiber, PSY at Elton John.

Ayon kay Daniel, malabo siyang manalo rito, pero proud na proud naman si Kathryn sa bagong achievement ng kapareha.

Hiningan din namin ng reaksyon sa balitang sumama raw ang loob ng ilang mga local press sa isang show raw na pinuntahan ni Daniel dahil hindi raw humarap ang batang aktor sa mga ito pagkatapos ng event, agad naming naramdaman na nag-iba ang timpla ng aktor na masama na ang pakiramdam nang makausap namin dahil segue siya sa taping ng Got To Believe at pictorial. Nagpaliwanag naman agad ang batang aktor na tao lang siya.

Nang tanungin tungkol sa nabalitang pagdalaw daw niya sa taping ng Mirabella na pinagbibidahan ni Julia Barretto, kung saan nabigyang-kulay ito ng iba, umiwas magsalita tungkol dito si Daniel.

ADVERTISING

Sa panayam naman ng Cinema News kay Julia kamakailan, klinaro ng batang aktres na wala siya sa set nang dumalaw sa taping ng Mirabella si Daniel dahil second unit ang nandu’n. Dagdag ding pahayag ni Julia, isa siyang KathNiel fan at sa katakut-takot na pamba-bash na tinatanggap niya mula sa mga KathNiel fans ay ‘di na lang niya ito pinapansin at ‘di siya nagpapaapketo sa mga ito.

Julia-Barretto-Daniel-Padilla

SA KABILA ng consistent na pagde-deny nila Coleen Garcia at Billy Crawford na walang espesyal na relasyong namamagitan sa kanila kung saan naituro noon na third party ng hiwalayang Nikki Gil-Billy si Coleen, may isang reliable source ang nagsabi sa amin na mukhang hindi naman daw tinatago ng dalawa kung anuman ang mayroon sila dahil sweet na sweet daw na dumating ang dalawa sa event ni Raymond Gutierrez kamakailan na parang wala raw pakialam sa kung anuman ang sasabihin ng ibang tao.

Ayon kina Coleen at Billy, nabigyang-malisya lang ang mga kuha ng mga larawan nila sa Dugout Sportsbar sa Bacolod, kung saan siniguro sa amin ng dalawa na pareho pa silang hindi handang pumasok sa painbagong pakikipagrelasyon.  Ayon pa nga kay Coleen, never silang lumabas na silang dalawa lang ni Billy.

Sa nakarating na balita sa amin ng aming source, mukhang iba ang nagiging takbo ng mga pangyayari.

Isang taon na rin nang mag-break sina Coleen at Gab Valenciano, at ilang buwan na rin nang maghiwalay sina Billy at Nikki. Kung totoo man ang nababalitang relasyon nilang dalawa, wala namang masama dahil pareho naman silang malaya at walang mga karelasyon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING