Daniel Padilla, itinangging, disbanded na ang grupo

ADVERTISING

Daniel Padilla, itinangging, disbanded na ang grupo

Daniel-PadillaNAKAUSAP NAMIN kamakailan si Daniel Padilla at klinaro nitong hindi disbanded ang grupo nilang Parking 5, kundi nagpahinga lang muna ang grupo nila dahil mag-aaral ang iba nilang kamiyembro at siya naman ay sa kanyang showbiz career.

ADVERTISING

Lumabas kasi ang balita na kaya na-disband ang grupo ay dahil galing daw ang kumalat na diumano’y larawan ni Daniel na may hawak ng sigarilyo at alak sa isang miyembro ng banda. Depensa naman ng teen actor na hindi gagawin ng isa man sa kamiyembro niya ito at naniniwala siya na gawa-gawa lang ito ng ibang tao. Siniguro din na walang away o samaan ng loob ang kahit na sinuman sa Parking 5, at kahit pansamantalang mamahinga ang banda, tuloy pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

Galing sa London para sa Barrio Fiesta Show ng ilang Kapamilya stars doon, masayang-masaya naman si Daniel sa mainit na pagtanggap ng publiko sa pelikula nila ng kaparehang si Kathryn Bernardo na balitang naka-P200 million na sa loob lamang ng dalawang linggo nito sa takilya. Ayon nga kay Daniel, hindi lang pera ang pinag-uusapan dito kundi mas higit ang suporta at ‘yung ideya na nagustuhan ng mga manood ang kanilang pelikula.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING
ADVERTISING