Daniel Padilla, iniiwasan na ang mga kaibigan

ADVERTISING

Daniel Padilla, iniiwasan na ang mga kaibigan

Daniel-PadillaINIIWASAN NA pala ni Daniel Padilla ang kanyang mga kaibigan. Na-trauma yata ang binata simula nang pumutok ang audio-video scandal niya. Ang feeling niya ay trinaydor siya ng isang itinuring niyang friend.

Nagpa-interview ang isang friend ni Daniel na si Jon at nabasa namin ang isang article sa isang website. Jon revealed that Daniel is no longer that Daniel they used to know. Bihira na raw kasi itong makisalamuha sa kanila. Simula nang kumalat ang audio-video scandal nito ay iniwasan na raw sila. Nadamay Raw sila sa kagagawan ng isang traydor na kaibigan ni Daniel.

Kung dati ay merong silang basketball games kada linggo, ngayon ay sila-sila na lang ang naglalaro, hindi na sumasali si Daniel. Kung dati ay nag-i-invite si Daniel ng mga friends niya para mag-bonding sa bahay niya, ngayon ay wala nang imbitasyon o kung meron may ay piling-pili na lamang.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING
ADVERTISING