Daniel Padilla, inaabuso na ang katawan sa dami ng trabaho?

ADVERTISING

Daniel Padilla, inaabuso na ang katawan sa dami ng trabaho?

Daniel-PadillaHIND NAMAN inaabuso ni Daniel Padilla ang kanyang katawan sa sobrang sipag niya ngayon magtrabaho, ‘tulad ng ibinibintang sa kanya. Masipag lang magtrabaho ang sikat na bida ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo ng ABS-CBN, dahil ang inspirasyon niya sa kanyang kasipagan ay ang huwag na silang bumalik sa kinalakhan niyang kahirapan ng kanilang pamilya.

ADVERTISING

Masayahin lang ang mommy ni Daniel na si Karla Estrada, pero ang dami-dami niyang tiniis at pinagdaanang hirap para maitaguyod ang kanyang mga anak. Down na down ang career niya noon, kaya napapaiyak na lang ang singer-actress kapag alam niyang mauubusan siya ng budget para sa pagkain ng kanyang mga anak. Alam na alam ni Daniel ang sitwasyong iyon, kaya diretso lang siya ngayon sa kanyang trabaho at patuloy na mapasaya ang kanyang pamilya.

Hindi makuwento si Daniel kung paano siya nahirapan sa sitwasyon nila noon. Para sa kanya, magsisipag na lang siya ngayon, dahil nasa kanya na ang pagkakataon. Ayaw niyang kinakaawaan. Mas gusto niya na nakapagpapasaya siya ng mga tao. Hindi rin niya inasahan na sisikat siya nang todo, kaya ngayong maraming fans ang nagmamahal sa kanya ay hindi niya talaga ipinagdadamot ang kanyang sarili para makapagpasaya ng kanyang mga tagahanga.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING