Daniel Padilla, hinudas ng ilang ka-banda

ADVERTISING

Daniel Padilla, hinudas ng ilang ka-banda

Daniel-PadillaANG KUWENTO, ang bandang Parking 5 diumano ni Daniel Padilla ang may kagagawan kung bakit lumitaw ang supposed to be ay private photo ni bagets na may hawak na sinding sigarilyo at bote ng beer.

Pormang astig ang litrato na naging dahilan ng pagkataranta ng kampo ni DJ nang sumabay na na-expose sa social media (Twitter, Intsagram at Facebook) ang naturang picture sa kainitan ng promotion ng pelikula niyang She’s Dating The Gangster ng Star Cinema na tumatabo ngayon sa takilya.

Kaya nga taranta ang mother dear ni DJ na si Karla Estrada na ang balita namin ay hindi mapakali last Saturday na kailangan mag-meeting sila ng grupo niya nang madiskubre na ang may kagagawan diumano ng pagka-bulgar ng naturang photo (na para sa amin ay normal lang para sa isang teenager tulad ni DJ dahil nasa growing up and discovery stage pa ito) ay ang isa sa member ng Parking 5 na hindi nakasundo ng binatilyo.

Maraming fans kasi ni DJ ang left and right nagtatanong tungkol sa balita ng paghihiwalay (pagka-disband ng banda) na kung gaano kasikat ngayon si bagets, bitbit nito ang banda na ngayon ay may sariling imahe at following na mula sa followers ni Daniel.

ADVERTISING

Sa FB posting ni Dominic Rea, malapit na kaibigan ng pamilya ni DJ, ang dahilan ng pagka-disband ng P5 ay ang pagbalik-eskwela diumano ng members ng banda ni Bagets gayong matagal nang nagsimula ang 1st semester.

Pero napag-alaman namin na noong Sabado, kahit may kanya-kanyang schedule ang mga grupo ni Karla, na-cancel bigla ang mga personal nilang lakad para sa isang emergency meeting.

Sabi ko nga, mas nauna pa yatang lumaki ang ulo ng Parking 5. Kung saan kasi si Daniel at may performance, hindi ito maramot na bitbitin at bigyang-espasyo sa kanyang shows ang mga kaibigan na naging back-up band niya.

Dahil sa may sarili ring followers ang banda niya, aligaga ang fans nang mabalitaan nila ang pagka-disband nito.

Sa ganang akin, kung bakit naman kasi tinulungan na ngang magkaroon ng karaketan ang limang bagets na back-up band ni DJ kapag may live perfomance ito, du’n naman nagkasungay ang mga ito para ang ilabas ang mga personal na impormasyon tulad ng private photo. Ipagkanulo nila ang taong nagbitbit sa kanila para makilala rin sila in their own right. Imbis magpasalamat, para silang mga hudas (dalawa sa kanila) na nagkanulo kay DJ.

From our FB inbox, we got a personal message from a certain Troy D (I’m sure alias ito) na sa message niya sa amin ay may lalabas dumano na iskandalosong sexy photo si DJ with a girl na (I’m sure it’s not Kathryn Bernardo) na topless na ang suot lang ay panty, pero nakatalikod sa kamera at nakaharap kay DJ na shirtless habang nakahiga.

Two days after naming makatangap ng mensahe mula kay Troy D at nagpa-follow-up kami ng ibang detalye tungkol sa sinasabi nitong iskandalosong litrato ni DJ, habang isinusulat namin ang column na ito (Sunday after lunch), wala pang reply sa amin ang nagpakilalang si Troy D.

 

DAMING MGA guwapo sa Pinoy Big Brothers simula pa nang maipakilala ito sa Pinoy market. Marami sa kanila, nakalikha ng kanya-kanyang following lalo na ‘yong naging winners na naging instant hit sa publiko. ‘Yong iba, winners man or hindi, naging instant celebrities. Ilan sa kanila, sumikat. ‘Yong iba, hindi pinalad. Sina Gerald Anderson, Kim Chiu, EJ Falcon ay ilan lang.

Stepping stone sa mga baguhan na nagnanais na makilala at magkaroon ng break sa showbiz ay gustung-gustong makapasok sa Pinoy Big Brothers.

Sa bagong batch, isa sa cuties sa Pinoy Big Brother All In ay itong si Fifth Pagotan na umamin kamakailan na isa siyang bisexual. In short, p’wede si Fifth magka-interest sa isang babae at sa isang lalaki. In layman’s term, isa siyang AC-DC. P’wede sa lalaki, p’wede rin sa babae.

Pero for us, happy kami at hindi issue kung bisexual man si Fifth or kung ano man ang sexual preference niya. At least may balls siyang umamin kung ano man ang seksuwalidad niya at gusto. Lalaki ka nga, wala ka namang balls, ‘di bale na lang.

I’m sure happy ang LGBT community sa pag-amin ni Fifth ng kanyang seksuwalidad matapos umamin din noon si Rustom Padilla na ngayon ay mas kilala bilang si BB Gandanghari. Mabuhay ka, Fifth! Tuloy dahil sa pag-amin mo at pagiging totoo mo, love na kita.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING