Daniel Padilla, flop ang concert sa Subic?

ADVERTISING

Daniel Padilla, flop ang concert sa Subic?

Daniel-PadillaHOW TRUE ang chikang hindi napuno ni Daniel Padilla ang kanyang concert venue sa Subic?

Rumors have it that the 4,000 seating capacity venue was not full pack. Tama ba ang nasulat na 500 lang ang audience?

With this ay nag-panic daw ang producers kaya naman namigay na lang ito ng libreng ticket. Still, marami pa rin daw bakanteng upuan sa concert venue.

Nagtataka nga ang marami dahil kasama pa raw ni Daniel ang kanyang favorite leading lady na si Kathryn Bernardo sa concert. Hindi nila ma-imagine na magiging flop ang concert ng hottest heartthrob sa bansa.

ADVERTISING

Ang feeling ng ilan ay badly promoted ang concert kaya walang masyadong nakaalam. O kaya ay walang masyadong pera ang mga tao na pambili ng ticket ng young actor.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING