Daniel Padilla, ‘di papayag na mawalay kay Kathryn Bernardo?

ADVERTISING

Daniel Padilla, ‘di papayag na mawalay kay Kathryn Bernardo?

Daniel Padilla & Kathryn Bernardo
Daniel Padilla & Kathryn Bernardo

Super hit ang New York City show ng ASAP last Saturday (East Coast time).

Waging-wagi sina Coco Martin at Onyok sa kanilang production number. Ang dami palang fans ng action-seryeng “Ang Probinsiyano” na kababayan natin sa Big Apple at mga karatig-bayan at lungsod. Aliw ang mga nanood kay Onyok sa kanyang classic line na “Ayooos!”

Tilian, hiyawan ang fans na nanood sa napakamahal na show ticket price na more than US$100 each.

Ang fans nina Liza Soberano at Enrique Gil, hindi magkamayaw sa katitili sa love team. Ang tambalang pang-telebisyon nina Janella Salvador at Elmo Magalona ay umaarangkada at ang sweet as ever na KathNiel love team nina Kathyrn Bernardo at Daniel Padilla, no doubt na isa sa pinakamainit na tambalan sa showbiz mula nang maging magkasama sila sa telebisyon at pelikula.

ADVERTISING

‘Yung ilan sa celebrities natin na kabilang sa ASAP New York, nagsipag-uwian na ng Pilipinas, lalo na ‘yung may tapings at natanguang commitments.

Pero ang magka-love team na KathNiel, balita namin ay magkakahiwalay muna after ng show nila sa NYC.

Si Daniel ay mauunang umuwi sa Pinas dahil sa commitments niya para sa promotion ng pelikula nila ng “love” niyang si Kathryn na “Barcelona” na palabas na next week (September 14), habang ang dalaga naman ay magsa-sidetrip muna papuntang San Francisco, California (minus Daniel).

Hindi malinaw ang dahilan kung bakit bukod sa kailangang bumalik kaagad ng binata sa Pilipinas para tuparin ang promo schedule niya, ngayon lang yata iiwanan ni Daniel si Kathryn na bibiyahe sa unfamiliar place (SFO) na hindi siya kasama.

Sa Spain nang mag-shoot sila ng kanilang bagong pelikula para sa Star Cinema under Olivia Lamazan, protektado ni Daniel si Kathryn. Kasa-kasama siya palagi ng dalaga kahit off camera at tapos na ang shooting ng nila.

Who knows, sa paglabas ng tsikang ito, baka nagkaroon ng changes sa plan ni Daniel na bumalik mag-isa sa Manila minus Kathryn.

‘Di ba ‘pag mahal mo, nand’yan ka palagi sa tabi niya no matter what?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING