Daniel Padilla, ‘di pa p’wedeng ipagkalat ang relasyon kay Kathryn Bernardo

Daniel-Padilla-Kathryn-BernardoTILA MAY alinlangan pa si Daniel Padilla sa pagkumpirma sa sinasabing relasyon na nila ng kanyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.

Nauna nang lumabas sa Pinoy Parazzi ang balitang sinagot na umano ni Kathryn si Daniel. Kade-debut lang ni Kathryn, habang 19 years old naman si Daniel.

 

(Basahin: http://www.pinoyparazzi.com/kathryn-bernardo-sinagot-na-si-daniel-padilla/)

 

Sa pocket presscon para sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo last December 19, natanong si Daniel tungkol sa totoong lagay ng relasyon nila ni Kathryn ngayon. Kasama sa presscon na iyon ang bida ng pelikula na si Robin Padilla, agyundin sina Rommel Padilla at RJ Padilla.

Saglit na nag-isip si Daniel, saka tumawa bago sumagot nang, “Hindi pa puwede. Let’s wait.”

Nang sabihin sa kanya na mismong ang ama niyang si Rommel ang nag-confirm ng balita, patanong din ang pahayag ni Daniel, “Kinonfirm na ba ni Papa?” Sabay lingon sa kanyang ama at parang pabirong nagtanong din ng, “Sinabi mo na ba? Sabi ko huwag muna. Hindi pa puwede.”

Nilinaw naman ni Rommel na ang tanging nasabi lang niya ay “parang [meron ngang relasyon], sa tingin ko.”

“Parang lang. Hindi pa sigurado si Erpat,” hirit naman ni Daniel.

Ipinagdiinan pa ni Daniel na tangi siyang lang ang p’wedeng magkumpirma kung ano na ang lagay ng relasyon nila ni Kathryn.

“Ako lang makakasagot niyan. Hindi nga puwede. Hindi pa puwede. Let’s wait. Time is money,” aniya.