Daniel Padilla, ‘di na hahayaang maputulan ulit ng kuryente

ADVERTISING

Daniel Padilla, ‘di na hahayaang maputulan ulit ng kuryente

Daniel-PadillaHINDI ITINATAGO ni Daniel Padilla ang hirap na dinanas nilang pamilya noong hindi pa siya nag-aartista.

ADVERTISING

Sa kanyang interview sa isang magazine, naikuwento niya na dahil sa hirap ng kanilang buhay ay naputulan sila ng kuryente. Pauwi raw siya noon sa kanilang condo at nadatnan niyang pawis na pawis ang kanyang ina na si Karla Estrada na pinapaypayan ang kanyang dalawang batang kapatid na babae.

Dalawang Linggo na raw sila walang kuryente dahil walang pambayad. Napaiyak na lang siya at nangako na gagawin ang lahat para hindi na muling makita ang paghihirap ng kanilang pamilya. Nagdasal daw siya para matupad ang hangarin niyang maiahon sa hirap ang kanilang pamilya.

Ngayong nasa showbiz na si Daniel at pinalad na magtagumpay, hinding-hindi raw niya pababayaan ang career at sana raw ay hindi na maulit na maputulan sila ng kuryente.

ADVERTISING

Samantalang sa grand presscon ng She’s Dating The Gangster na movie nila ni Kathryn Bernardo na idinirek ni Cathy Garcia Molina under Star Cinema, nagpasalamat siya mga fans at lahat ng sumusuporta sa kanila.

Kung si Daniel ay very vocal na mahal niya si Kathryn, atubili naman ang dalaga na aminin ang tunay na nararamdaman. Kung pagbabasehan naman ang bawat kilos at kislap ng mga mata ni Kathryn, in love ito at natural na si Daniel ang lalaking nagpapasaya sa kanya.

Ang movie ay base sa libro kaya ‘di kataka-taka na dagsain ito oras na ilabas sa mga sinehan. Sa trailer pa lang, siguradong kikiligin na ang mga makapanonood lalo na siguro ang mga teenager na paborito ang tandem nila.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING