Daniel Padilla, dedma lang sa mga mapanirang intriga

ADVERTISING

Daniel Padilla, dedma lang sa mga mapanirang intriga

Daniel-PadillaGRABE KUNG intrigahin ngayon ang Teen King ng ABS-CBN na si Daniel Padilla. Magkaganu’n man, parang bale-wala lang ito sa binata.

Hindi niya ipinagtatanggol ang sarili niya. Hinahayaan lang niyang ang Mommy Karla Estrada niya at ang mga katrabaho ang magtanggol sa kanya.

Well, this is the price of success. At sabi nga nila, you cannot argue with it. Eh, sikat talaga si Daniel, kaya pupukulin at hahanapan ng butas kahit wala naman.

Sey ng mangilan-ngilang detractors ng binata, flop daw ang mga out of town show nito. Lumaki na raw ang ulo at yumabang.

Pero para namang hindi totoo. Mabuti na lang at may Instagram na puwedeng magpakita kung gaano karaming tao ang dumadagsa tuwing may show siya tulad na lang nitong sa Davao na umapaw talaga ang utaw.

ADVERTISING

“Ganito ba ‘yung flop na show?” comment ng isang avid supporter ni Daniel sabay-turo sa naka-post na photo sa Instagram.

“Huwag naman nilang siraan ‘yung bagets. Mabait naman ’yung tao,” sey naman ng isang kaibigang reporter ng nanay ni Daniel.

In fairness sa kampo ni Daniel, hindi nila iniisip na sa kampo nina James Reid at Nadine Lustre nanggagaling ang negatibong isyu na ipinupukol sa kanya. In fact, excited pa nga si Daniel na makatrabao sina James at Nadine.

How nice naman of him, huh!

Anyway, last week ay muling pumirma ng kontrata si Daniel sa Star Cinema para sa pelikulang muling pagsasamahan nila ni Kathryn Bernardo. May teleserye rin ang dalawa na ipalalabas sa umpisa ng taong 2015.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING