Daniel Padilla, bumigay na kay Kathryn Bernardo

Daniel Padilla, bumigay na kay Kathryn Bernardo

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaBumigay na si Daniel Padilla, inamin daw nito sa isang malapit na kaibigan na in love na nga siya sa kanyang leading lady si Kathryn Bernardo. May kakaibang feeling siyang mahirap i-explain. Alam na raw ito ng young actress kaya ganu’n kasaya nang sabihin ito ni Daniel sa kanya.Tanging silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. May mga moments na makikita mo silang super sweet behind the camera. As a person, likas kay Daniel ang pagiging malambing. Mas malalim ngayon ang kanilang relationship compared nu’ng bago palang sila magka-love team.

Nag-mature na nga sina Daniel Padilla at Kathryn, na-develop into something beautiful ang closeness nila. Kilala nila ang isa’t isa dahil sa tagal ng kanilang pinagsamahan. Walang masamang ma-in love, perfect sila together as lovers. Simpatiko, gentleman at mabait itong si Daniel. Simple at understanding naman si Kath, ‘yun yata ang nagustuhan sa kanya ng morenong actor. Kung napanonood natin sila sa mga kilig scenes sa pelikula at telebisyon, totoong-totoo sila sa mga eksena kahit scripted, feel kasi nila pareho ang mga linyang nagpapahiwatig ng pagmamahal.

Sa taong ito, 2016, maging vocal na kaya si Daniel sa relationship nila ni Kath? Aminin na nga kaya ng young actor na mag-dyowa na nga sila ng dalaga. It’s about time, para lalong kiligin ang mga fans. Sa tingin namin, walang kontrabida sa kanilang relasyon. Ipagsigawan na ni Daniel na minamahal niya si Kathryn Bernardo…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield