Daniel Padilla at NBA MVP Stephen Curry, trending ang pagkikita

Daniel Padilla at NBA MVP Stephen Curry, trending ang pagkikita

Daniel-Padilla-Stephen-CurryISA SA nag-trend last weekend ang pagkikita nina Daniel Padilla at NBA MVP Stephen Curry na player ng Golden State Warriors.

It was a dream come true thing for Daniel na makita nang personal ang kanyang idol sa basketball, malapitan ito, makachikahan at makasama sa photo. Agad-agad na ipinost ni Daniel ang photo nila ni Stephen.

It was last July when Daniel learned na isa siya sa mga pina-follow ni Stephen sa Twitter. Napa-“OMG” nga siya when he learned that he’s being followed by the popular NBA player.

Actualy, his post on that got 7,900 retweets at 13,000 likes.

To show that he’s an avid Stephen Curry fan, Daniel even posted on his Instagram account his collection ng signature shoes at jerseys ni Stephen na sa dami ay ikinagulat ng kanyang fans.

Na-interview si Stephen ng Dos at ipinalabas ito sa sports channel ng network.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas