Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, palaging trending ang mga eksena sa soap

ADVERTISING

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, palaging trending ang mga eksena sa soap

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaTRENDING PALAGI ang mga soap scenes ni Daniel Padilla kasama si Kathryn Bernardo kaya naman natanong siya kung ano ang tingin niya rito.

“Siguro ‘yun na lang ‘yung balik nila sa amin,” sabi ni Daniel sa presscon ng Sa Ngalan ng Ama, Ina at Mga Anak.

“Grabe ang paghihirap namin sa Got to Believe. Ang hirap dahil kaming walang… Lagi kaming for airing, ganyan, kasi minsan walang oras, ang daming schedule,” dagdag pa niya.

Paliwanag pa ng binata, “Pero talagang kahit every scene, kahit napakaliit lang ng eksena, talagang ginagawa namin nang maayos. Hindi lang pucho-pucho na acting. Talagang inaayos namin.”

ADVERTISING

Binigyan ni Daniel ng credit ang kanyang ka-love team na si Kathryn sa pagsikat ng kanilang tambalan.

“Magaling din kasi si Kathryn, eh. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Ang galing kasi ni Kathryn,” sabi pa niya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING