Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, maging for real na kaya?

ADVERTISING

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, maging for real na kaya?

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, maging for real na kaya?YOUNG ACTOR Daniel Padilla recently launched his debut album titled Hina-hanap-Hanap Kita under Star Records at the SM Skydome. The tracks include Hinahanap-Hanap Kita, Pagsubok, Paniwalaan Mo, Ako’y Sa ‘Yo Ika’y Akin, Prinsesa and Grow Old with You.

Patuloy ang pagsirit ng career ni Daniel who comes from a prominent showbiz clan na hindi matatawaran ang husay pagdating sa pag-arte. Daniel belongs to the young generation of Padillas (being the son of Rommel Padilla and Karla Estrada) and is now bent on making his own name in showbiz.

Pinatunayan ni Daniel na may ibubuga rin siya pagdating sa acting sa mga ABS-CBN shows gaya ng Gimik 2010, Growing Up, at Princess and I where he plays Gino dela Rosa, one of Kathryn Bernardo’s leading men who belongs to a rich and influential family.

His parents are proud of his achievements kaya ang payo sa kanya ni Rommel, “Kung anuman [ang] iyong marating, laging ang paa mo nasa lupa. Nakasayad at huwag mong kakalimutang magpasalamat sa Panginoong Diyos at sa mga taong sumusuporta sa [iyo].”

ADVERTISING

May following na rin ang loveteam nila ni Kathryn kung kanino niya dine-dedicate ang kanyang album maliban sa mga fans. Anong kanta naman sa kanyang album ang dine-dedicate niya para kay Kathryn? “P’wede iyong Ako’y Sa ‘Yo… pero sinasabi nila, inaangkin ko na raw si Kat, so Prin-sesa na lang.” Pero hirit ng The Buzz kay Daniel, parang bagay iyong kantang Grow Old with You kay Kathryn.

Kathryn was not able to attend his album launch because of other showbiz commitments pero bumawi naman siya when she posted a picture on her Twitter account. Sa litrato, magkasama silang dalawa ni Daniel sa dinner kinagabihan ng album launch.

Ano nga ba ang ipinahihiwatig ng litratong ito pati na ang pag-dedicate ng album ni Daniel sa kanyang itinuturing na prinsesa? Ano ba ang totoong estado ng kanilang relasyon ngayon lalo pa’t madalas silang magkasama sa mga taping ng Princess and I? Sagot ni Daniel, “Iba ho kasi si Kathryn sa mga ibang babae na nakilala ko. Siguro, na kay Kathryn iyong mga tipo ng babae na gusto ko. At saka siya iyong nagpapasaya talaga sa akin. Maghihintay ako kahit maputi na ang buhok ko at kung umabot man ako sa langit.”

Maging for real kaya ang for reel na loveteam nina Daniel at Kathryn? Kagaya ni Daniel, maghihintay ang publiko sa kahihitnan ng kanyang gumagandang relasyon kay Kathryn.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING