Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ipinagdiwang ang 10th anniversary sa Chiang Mai, Thailand

ISANG DEKADA na magkarelasyon ang Kapamilya superstars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na kilala rin bilang KathNiel ng kanilang mga tagahanga.

Yes, 10 years na ang lumipas! From young teenagers full of big dreams to make it big in showbiz ay naabot na ng dalawa ang pinakarurok ng kanilang karera. Hindi lang sila successful as a loveteam. Mas bongga din ang kanilang buhay magkarelasyon.

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ipinagdiwang ang 10th anniversary sa Chiang Mai, Thailand
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in Chiang Mai, Thailand

To celebrate their 10th year anniversary as a couple ay lumipad ang dalawa patungo sa Chiang Mai, Thailand. Ito ang isa sa pinakamagandang parte ng Thailand lalo na kung mahilig ka sa mga bundok, cold climate at mga cultural sites.

Post ni Kathryn sa kanyang Instagram, “Celebrated our special day in the most unforgettable way possible and enjoyed every minute of it.”

“You know how much this trip means to me and how much I [love] elephants, so without a question, you agreed to do this again with me right away,” sambit nito kay Daniel. “All you said to me was ‘kahit san mo gusto love, susunod ako after ng trabaho ko (wherever you want to go my love, I will follow you after my work).’”

“Looking back on our 10-year journey together, I find myself smiling with so much pride. Because we did it… We did it, love! True love exists. Someone like you still [does] exist,” she gushed. “I love you so much. Happy 10th anniversary to my person!”

Napaka-sweet! Sana all, ‘diba?

Binati ang dalawa ng kanilang mga kaibigan sa showbiz tulad nina Angelica Panganiban, Iya Villania, Ria Atayde at Ruffa Gutierrez.

Unang nagkakilala at nagkatrabaho sina Kathryn at Daniel sa weekly teen-oriented show na ‘Growing Up’ noong 2011. Mas napansin ng publiko ang kanilang chemsitry sa seryeng ‘Princess and I’. Matatandaan pa noon na hindi talaga si Daniel ang orihinal na pinupush kay Kathryn (hello, Enrique Gil na ngayo’y nahanap din ang real-and-reel love sa katauhan ni Liza Soberano!). Pero tulad nga ng sabi nila, talagang destined sina Daniel at Kathryn para sa isa’t isa! You Got 2 Believe talaga!

Congratulations, Daniel and Kathryn!

Previous articleLoisa Andalio itinanggi na nagsasama na sila ni Ronnie Alonte sa iisang bahay
Next articleAnne Curtis, may major comeback sa It’s Showtime ngayong Sabado