Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, higit pa sa MU?!

ADVERTISING

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, higit pa sa MU?!

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, higit pa sa MU?!HINDI PA rin direktang inaamin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na me relasyon sila sa presscon ng Must Be… Love.
Ang tawag nga ni Daniel doon ay “Mag-MU po siguro.”
Sabi naman ni Kathryn, hindi naman daw sila nagmamadali at marami pa raw silang pangarap na gustong matupad.
Pero sa mga ikinikilos nila sa presscon, ewan ha? Parang malakas ang kutob ko, sila na, eh.
Mas malalaman n’yo ‘yan ‘pag pinanood n’yo sa March 13 ang movie.
Me kissing scene ba sila roon?
“Abangan n’yo po kung meron,” sey ni Kathryn.

ANDAMI NA ring naku-curious dito ke Liza Soberano na gumanap na girlfriend ni Daniel Padilla at pinsan ni Kathryn Bernardo sa Must Be… Love.
Si Liza ay dating si Hope Soberano na unang lumabas sa teleseryeng Kung Ako’y Iiwan Mo at lumabas din sa Luv U at ilang episodes ng MMK.
Hanggang inggit at kilig na muna kina Daniel at Kath ang puwede kay Hope o magkaroon ng inspiras-yon dahil super bagets pa siya.
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, higit pa sa MU?!
EXCITED NA si Aiko Melendez sa paglabas niya sa Apoy Sa Dagat bilang older Nikki Gil na ina ng kambal na Angelica Panganiban.
Nate-tense nga ang aktres, dahil super commendable ang husay ni Nikki sa first two weeks ng naturang teleserye.
“Sobrang galing niya, Mother,” tawag sa amin ni Aiko.
“Kaya kailangan talaga, galingan ko. O makasabay man lang ako o malampasan ko ‘yung husay ni Nikki!”
Juice ko, Aiko Melendez ka, ‘no! Kaya mo ‘yan.

 

BUKAS NA, Sabado ang dinner show ni Marissa Sanchez entitled One Funny Night Stand sa Luxent Hotel. Bibirit, magpapatawa at mag-i-impersonate ang tinaguriang multi-faceted artist.

ADVERTISING

“Excited ako dahil first time kong magsi-show na wala akong guest kundi sarili ko lang. Kaya wala nang babaan ito sa stage hanggang sa matapos. Kaya ngayon pa lang ay thankful na ako sa mga manonood dahil bukod sa nabusog na sila, mag-e-enjoy na sila, nakatulong pa sila dahil ang proceeds nito will benefit breast cancer patients of the Philippine Foundation for Breast Care Inc. Kaya salamat din sa mga nag-sponsors like Luxent Hotel, Ideal Vision Center, Let’s Face It, My Tea, Danilyn’s, Kopiroti, David’s Salon, Naomi, Arena Fitness, House of Laurel, Novu Hair, Golden Root Complex, Superstar Printing.”

Ilang tickets na lang ang nalalabi kaya sa mga gustong manood, tumawag o mag-text sa 0917-882277-3/0917-5077766.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING