Daniel Padilla at Coco Martin, mas tinilian kaysa kina Tom at Dennis sa isang benefit concert

ADVERTISING

Daniel Padilla at Coco Martin, mas tinilian kaysa kina Tom at Dennis sa isang benefit concert

Coco-Martin-Daniel-Padilla Coco-Martin-Daniel-PadillaAS EXPECTED mas tinilian at mas inabangan sa katatapos na My Phone One Heart, One Beat, One Beat Benefit Concert ang Kapamilya star na si Daniel Padilla na mula pagpasok hangang matapos ang dalawang kanta nito ay hindi talaga magkamayaw ang mga taong nanood sa katitili, habang doble sigawan at mas naging wild ang mga taong naroroon nang lumabas na bilang finale artist at maghandog ng isang awitin si Coco Martin, na ginanap last Dec. 14 sa Araneta Coliseum.

Halos hindi na marinig ang kanta ni Coco sa lakas ng hiyawan at hindi na rin makontrol ng mga bouncer ng Araneta ang mga babaeng umakyat ng stage para yakapin si Coco at hanggang pagsakay nito sa sasakyan ay buntot-buntot ang dami ng kababaihang gustong makayakap, makahalik at makapagpa-litrato rito.

Masasabing sobrang successful ang nasabing benefit concert sa dami ng mga taong nanood at nakisaya sa performers ng nasabing konsiyerto. Ilan sa performers na talaga namang hiniyawan at malakas ang dating sa mga manonood bukod kina Daniel at Coco ay sina Sam Concepcion, Gary Valenciano, Paolo Valenciano, XLR8, Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Jon Santos na talaga namang click na click sa mga manonood ang ginawang pagpapatawa bilang sina Meriam Defender Santiago, Miley Serious at Megan Younghusband, Gio Ong, Pio Balbuena, Kyle Vergara at UPGRADE.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING