Daniel Padilla, ang lakas mag-yosi?!

ADVERTISING

Daniel Padilla, ang lakas mag-yosi?!

Daniel Padilla, ang lakas mag-yosi?!NAGYOYOSI NA pala itong si Daniel Padilla.

Sa isang interview kasi ay panay raw ang request ni Daniel na mag-break muna dahil gusto niyang magyosi.

Nagulat ang kausap niya nang makita niyang panay ang hithit ni Daniel ng sigarilyo. Ang mind you, hindi lang isa o dalawang sticks ang nahithit nito while doing the interview.

Ang napapansin pa namin sa batang aktor, parang palagi itong galit. Parating ballistic ang sagot nito sa mga tanong. Parang wala siyang ganang sumagot sa mga intriga sa kanya kaya palaging maanghang ang kanyang salita.

ADVERTISING

Masyadong malakas ang dating ni Daniel, masyadong maangas at feeling niya ay big star na big star na siya.

Well, phenomenal naman talaga ang kanyang pagsikat but he has to thank the Padillas especially Robin Padilla. Gayang-gaya niya kasi ang Bad Boy demeanor ni Binoe na click na click naman sa kanyang fans.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING