Daniel Padilla, 20 endorsements ang gagawin ngayong taon

ADVERTISING

Daniel Padilla, 20 endorsements ang gagawin ngayong taon

Daniel-PadillaGOING STRONGER ang loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kahit saan sila magpunta, todo ang suporta ng kanilang mga fans. Maging sa ibang bansa, tinatangkilik sila ng mga kababayan nating OFW. Lalo pa ngayong box-office hit ang pelikula nilang Crazy Beautiful You ng Star Cinema na showing pa sa Metro Manila on it’s 3rd week.

Hataw sa dami ng endorsement sina Daniel at Kath. Kahit may kamahalan ngayon ang TF ng young actor, kinakagat pa rin ito ng mga advertisers. Alam kasi nilang madaling makikilala ang kanilang produkto kung sikat na artista ang nag-i-endorse nito.

Pinaka-in demand si Daniel sa mga product endorsement sa mga talent ng Star Magic. Ayon sa malapit na kaibigan ng binata, 20 endorsement ang gagawin ni Daniel for this year. Twelve pa lang ang natatapos i-shoot ni Daniel. Kaliwa’t kanan pa rin ang offer, ‘yung iba nga clients walang kiber kung milyones ang TF ng binata makuha lang nila ang serbisyo nito. Ang iba naman, willing silang maghintay kung kailan ang availability ni Daniel. Sa totoo lang, bukam-bibig na ang pangalan ni Daniel Padilla sa mga commercial agency.

Kahit pagod sa pagtratrabaho si Daniel, ini-enjoy naman niya ito dahil para sa kanyang pamilya. Naranasan na kasi nito ang maging mahirap. Kahit sobra ang hectic ng schedule, walang kang maririnig na complain galing sa kanya. Pawang papuri nga ang madalas sabihin kay Daniel ng mga kapwa niya artista, maging ang director na nakatrabaho na niya. Ang mapupuri mo kay Daniel, marespeto, mapagpakumbaba, at nakasayad pa rin sa lupa ang kanyang mga paa kahit nasa palad na nito ang kasikatan.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING