Daniel, nadulas sa pagtawag ng “mahal” kay Kathryn sa “Minute To Win It”

ADVERTISING

Daniel, nadulas sa pagtawag ng “mahal” kay Kathryn sa “Minute To Win It”

Daniel Padilla & Katrhyn Bernardo
Daniel Padilla & Katrhyn Bernardo

‘Di nga ba’t  kahit nag-level up na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pelikula nilang “Barcelona” at maging ang kani-kanilang mga sarili, ayaw pa ring bumitaw ng dalawa para ipagmalaki ang kung ano man meron sila sa isa’t isa?

Ayaw ng binatang aminin na sila na ni Kathryn, na ang dalaga naman na nagmamahal ay naghihintay lang naman sa kumpirmasyon ng binata sa pagmamahalan nilang dalawa. Pangit naman kasi na kay Kathryn magmula ang kumpirmasyon.

Kahit super patok na sa takilya ang pelikula nila na humakot na ng P200-M, ayaw pa ring i-share ng dalawa ang saya ng pagmamahalan na kanilang nararamdaman.

Pero yesterday sa Monday episode ng game show na “Minute To Win It”, nadulas ang binata nang tawagin niyang “mahal” ang dalaga habang nagbibigay ito ng instruction sa kung ano ang gagawin ni Kathryn sa isang game na nilaro nito.

ADVERTISING

Iilan lang ang nakapansin sa dulas-dila ni Daniel na na-capture ng kamera at ang audio ay kasing talas ng kutsilyo at dinig on TV.

Today, nakatakda ang balik ng KathNiel galing Iceland, kung saan over the weekend ay nandu’n ang dalawa para sa pictorial nila for Mega Magazine.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING