Daniel Matsunaga received threat of being reported to Immigration!

Daniel Matsunaga received threat of being reported to Immigration!

Daniel Matsunaga received threat of being reported to Immigration!SINO KAYA ANG may galit kay Daniel Matsunaga at mukhang nagbabanta pa na isusuplong niya ang Brapanese boyfriend ni Heart Evangelista sa immigration?
Noong July 7 kasi ay nag-tweet ang isang @msUndahstood ng ganito: “before you go back to the phil., make sure you have a working permit. would love to call the bureau of immigration and check on your papers!”
By this time kasi ay malamang nakauwi na sa bansa si Daniel kasama ang girlfriend niyang si Heart.

Matindi siguro ang galit ng taong iyon para mag-tweet siya ng ganoon patungkol kay Da-niel. In the first place, inaano ba siya ng binata? May kasalanan ba itong nagawa sa kanya?
Actually, natutuwa kaming basahin ang mga tweets ni Daniel dahil hindi siya marunong mapikon kahit na halos below the belt na ang tira sa kanyang girlfriend.

Sabi ni KarmaWins80 noong July 7, “Oh, It is my problem. We ADORE MR more than your INDECENT GF. You don’t know her..but we know her more you do. :)”
Obviously, ang MR na binanggit ng follower na ito ay si Marian Rivera.
Kung sa akala ninyo ay napikon si Daniel, nagkakamali kayo.
“Ahahhahaha ok :)if u think this way :) God bless u,” sagot ng Brazilian model.
At ang nakakatuwa pa, nang mapansin ng isang follower na panay ang tweet ni Da-niel in Brazilian language ay kaagad na isinalin ng binata sa Tagalog ang kanyang tweet.

“I said i will miss brazil a lot…there is no way i cant miss it:) but probably i will comeback again with my sister:)”
True to her words nga pala ay hindi na nag-tweet pa si Heart ng anumang message. Her last tweet was July 7 pa.
Nasulat namin last week ang kagustuhan muna ni Heart na mamahinga sa Twitter. Na siya naman niyang ginawa.

EXPLOSIVE. ‘YAN ANG assurance sa amin ng tell-all interview ni Claudine Barretto na lalabas sa Star Studio magazine next month.
Walang takot daw na sinagot lahat ni Claudine ang lahat ng tanong, ke sa career o maski ang pinakapersonal na tanong. Wala raw siyang inurungan kaya naman bongga ang nasabing interview. Baka nga kabugin nito ang lahat ng tell-all
interview ng mga artista.
Matagal nang nanahimik si Claudine sa lahat ng isyung ibinabato sa kanya kaya naman tiyak na aabangan ang lahat ng sagot niya sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya.

Inamin daw ni Claudine na nagkabati na sila ng kanyang Ate Gretchen at sweet na uli sila ngayon. Kundi man araw-araw na nagkikita, they make it a point to call or text each other everyday.
Yes, may ganoon silang drama nga-yon. Claudine also answered rumors about drug addiction, gambling and her issues with Angelica Panganiban. Nagbigay rin daw ng pahayag ang aktres tungkol sa paglipat niya sa Kapuso Network.
INAMIN NI ROCCO Nacino na may mutual understanding na sila ni Sheena Halili.

Sa isang interview na nabasa namin, inamin ng binata na lumalabas-labas nga sila ni Sheena. Nakarating na nga siya sa bahay ni Sheena sa Pampanga.

Ang alam namin, may condo unit na inuupahan si Sheena sa Tomas Morato at doon siya nakikita nang madalas. Nasulat na namin weeks back na kapag walang taping o anumang lakad ay asahan mong pre-sent si Rocco sa condo unit ni Sheena. Tumatambay nga raw ang binata roon kapag wala siyang lakad. Nagkakilala ang dalawa sa sitcom na Kaya ng Powers hanggang sa mahulog ang loob ng binata sa dalaga.
Sabi pa ni Rocco, they’re dating pa rin naman daw at wala pa silang relasyon.
Sige na nga!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas