Daniel Matsunaga, Nasaktan sa Hiwalayan Nila ni Heart Evangelista!

ADVERTISING

Daniel Matsunaga, Nasaktan sa Hiwalayan Nila ni Heart Evangelista!

Daniel Matsunaga, Nasaktan sa Hiwalayan Nila ni Heart Evangelista!NATIYEMPUHAN NAMIN at nang iba pang media si Daniel Matsunaga sa event ng Mega Magazine noong Tuesday sa may Edsa Shangri-La at pinagbigyan naman niya kaming lahat ng interview. Fresh from the break-up, Daniel admitted that he’s still nursing a broken heart. Pina-nindigan pa rin niya ang kanyang pagmamahal sa ex-girlfriend. At sa interview niya sa Juicy noong Wednesday ng gabi, sinabi ni Daniel na, “I have nothing against Heart, she’s such a great person. I love her so much you know, everybody knows about it.”

At sa usapang balikan naman daw ay wala itong katotohanan. Dagdag pa niya, “We talked about it and actually kind of decided already about our separation so not really going back.”

Kuwento pa niya sa Juicy, walang katotohanang nag-break sila ng ex bago pa man siya tumulak papuntang Brazil para magbakasyon. Aniya, “Before I left we were together, and everything was fine it was just really when I was in Brazil po. There was no point, it was just like the communication it was really hard, so you know, it’s more of our personal problems.”

Abangan sa Paparazzi ng TV5 bukas, 11:30 am ang buong panayam kay Daniel tungkol sa break-up.

ADVERTISING

 

NAKAUSAP DIN namin si Rocco Nacino noong Martes at masaya niyang ikinuwentong magsisimula na silang mag-shoot ng pelikulang Lam-ang ngayong Sabado. Sa Ilocos gagawin ang shooting ng pelikula at todo paghahanda na raw ang kanyang ginawa. Nakapagsukat na rin daw siya ng bahag na kanyang gagamitin pero ayon pa sa kanya, naiilang pa rin siyang maipakita ang kanyang butt pero proud naman daw siya rito. Kaabang-abang talaga ang movie na ito dahil Rocco goes daring, ‘ika nga, rito sa Lam-ang.

 

ISA KAMI sa mga naimbitahang dumalo sa birthday celebration ni Mayor Enrico Roque para sa mga press noong Martes ng gabi sa Amana Waterpark na kanya ring pagmamay-ari. Gabi na kami nakarating sa Amana dahil nag-radio pa kami pero ang ibang mga press ay tanghali pa lang nasa resort na at nag-enjoy sa amenities ng isa sa pinakamalaking resort sa Pilipinas.

Bumaha ng pagkain para sa selebrasyong exclusive lamang sa mga media na naimbitahan at may mga giveaways pa. May kaunti ring pa-raffle para sa mga press at lahat ay hindi umuwing empty handed.

Wala na raw mahihiling pa si Mayor Enrico sa kanyang kaarawan kundi ang good health para sa kanyang ama.

Happy Birthday, Mayor Enrico!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING