Daniel Matsunaga, love na love ni Kris Aquino

Daniel Matsunaga, love na love ni Kris Aquino

Daniel-MatsunagaLOVE NA love talaga ni Kris Aquino si Daniel Matsunaga. Imagine, talagang binigyan pa niya ito ng party sa kanyang TV show. Ilan lang ang binibigyan ni Kris ng ganyang pagpapahalaga, ha?

At para makumpleto ang kasiyahan ni Daniel, kasama pa niya ang sister niyang si Vanessa at ang mother nila.

Gulat na gulat si Daniel sa surprise party na ibinigay ni Kris sa kanya.

“Grabe…so happy for what happened this morning!thank you @_krisaquino !!!never had that before on tv!!super thank you!! @kristvofficial_ig,” caption ni Daniel sa photo niya kasama ang cakes niya na spelled out ang kanyang full name. so, ang daming cakes ‘no’n, ha.

Later, in an Instagram post na kasama ni Daniel sina Kris, sister niyang si Vanessa at mom niya ay ito naman ang caption ng Brapanese model, “Maraming maraming maraming maraming salamat Kris sa lahat na ginawa mo para sa akin!you are truly the best and thank you for making me feel special sa segment kanina in kristv!!!really enjoyed being one more time in your show!love u guys! @kristvofficial_ig. @_krisaquino. @darlasauler see u next time again!!God bless u more and more!! @gegematsunaga. @vanessamatsunaga.”

Obvious bang la favorita ni Kris si Daniel?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas