Daniel Matsunaga, kung kani-kanino ipinapares

ADVERTISING

Daniel Matsunaga, kung kani-kanino ipinapares

Daniel-MatsunagaNATAWA KAMI sa isang non-showbiz friend naming girl. Hiniritan niya kami na baka raw pwede ko siyang isama kung magkikita kami ng PBB All In Big Winner Daniel Matsunaga, dahil magpapa-picture daw siya rito dahil noon pa niya ito idol.

Actually, normal na lang na may lumalapit na kaibigan para mag-request ng photo opportunity with their idol, lalo pa’t halos lahat naman ng artista ay kilala namin. Ang nakakalokah lang dito sa friend namin ay bumili pa siya talaga ng tatlong lata ng San Marino Tuna Flakes, dahil ‘yun daw mismong label no’n ang kanyang papa-autograph kay Daniel.

“Baka naman ‘pag nagkita kayo ni Daniel, itanong niya sa ‘yo kung anong lasa o gaano kasarap ang San Marino Tuna Flakes, tapos, nganga ka at wala kang maisagot?”

Natawa ang potah, “Hahahah! Ako pa ba eh idol ko nga siya, kaya kahit ano pa ang i-endorse niya, ipa-patronize ko, Kuya Ogs.” Gusto ring ma-achieve ng aking friend ang sexy figure ni Daniel, kaya ito na rin daw ang kanyang kakainin.

ADVERTISING

Sabi nga ni Daniel, “After I workout, I eat tuna. Our body needs protein… protein talaga. I always bring a can of tuna to help on my daily protein requirements. How much our body needs depends on our weight.”

Kaya pala ang ang mga fans ng PBB All In, kung kani-kanino inilalabtim si Daniel. At nagrarambulan sila sa social media kung kanino dapat mapunta si Matsunaga. Merong kay Maris Racal o kay Vicky. Nire-request nila na sana ay pagsamahin sila sa isang teleserye. Sino kaya kina Daniel-Maris o Daniel-Vicky ang pagbibigyan ng ABS-CBN?

Hindi kaya ang ending nito ay ilabtim pa sa friend ko si Daniel para wala nang away? Hahahaha! Ilu-ilusyon din for a friend ‘pag may time.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING