Daniel Matsunaga, happy life minus Erich Gonzales!

ADVERTISING

Daniel Matsunaga, happy life minus Erich Gonzales!

Daniel Matsunaga, happy life minus Erich Gonzales!SA ISANG SOCIAL media posting, sinasabi na masaya na si Erich Gonzales at ini-

enjoy ang kanyang pagiging “single” muli matapos ang hiwalayan nila ng Brazilian-Japanese Model na si Daniel Matsunaga. In short ay masaya na ang aktres mula nang maghiwalay sila ng binata.

 

Sa naturang Instagram item, ang sexy ng “ex-girlfriend” ni Daniel na masaya sa bagong hilig nito na mag-surfing sa isla ng Siargao sa Surigao.

 

ADVERTISING

Pero mas nauna naman yatang naka-move on ang sexy hunk sa naudlot ang pakikipagrelasyon sa dalaga na tulad ng previous relationship ni Erich sa isang richie-rich guy mula sa angkan ng mga Chinese( na balita naming noon ay nagmamay-ari ng mga malalaking shopping malls sa Pinas); ang hiwalayan nila ni Daniel ay ganun din ang ending. Hindi rin na-reveal kung ano ang dahilan ng break-up.

 

Pero obvious na mas masaya ngayon si Daniel. Happy ang binata tulad ng pagbabalita niya (mas nauna siya nagbalita na naka-move on na siya).

 

Matapos ang madugo at madramang break-up ng dalawa na akala ko’y mauuwi na sa kasalan. Daniel is enjoying his life with his family. Sila ang tanging nagpapasaya sa kanya ngayon.

 

Noong naghiwalay sila ni Erich, ang pamilya ni Daniel ang kanyang sandalan at pinaghugutan ng lakas ng loob sa panahon ng kalungkutan.

 

Sabi nito sa isang panayam: “I am enjoying the family, I am enjoying our friends right now. Focus ako sa work, so ‘yung puso ko I leave it to God’s hands.” kuwento ng binata.

 

 “I’ve moved on already. Right now, work is my priority, family is my priority,” sabi niya.

 

Sa ngayon ay zero ang laman ng puso niya. Naniniwala ang binata na sa tamang panahon ay matatagpuan din niya ang tunay na babaeng mamahalin.
 

Kuwento pa niya: “You know, there’s always the right time, the right person and ‘yun nga kailangan ko.. maghintay lang. I am not looking for someone right now so hintay-hintay.” paliwanag niya.

 

Pero totoo ba ang tsismis na nagkakamabutihan sila ni Arci Munoz na ka-partner niya sa isang panghapong game show sa Kapamilya Network? “We’re just friends,” depensa agad ng binata.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING