Daniel Matsunaga, ginagamit lang si Erich Gonzales?

Daniel Matsunaga, ginagamit lang si Erich Gonzales?

Daniel-Matunaga-Erich-GonzalesDIRETSAHANG SINABI ni Matteo Guidicelli na hindi niya pakikiusapan ang girlfried na si Sarah Geronimo na mag-guest sa nalalapit niyang concert together with JC de Vera at Daniel Matsunaga.

Malinaw para sa kaya na ang relasyon nila ng Pop Princess ay private. ‘Ika nga ay personal na para hindi magulo at maintriga, kung ano lang ang puwedeng i-share sa mga fans nila at sa publiko ay ‘yun lang. In short, hindi abuso.

Kaya may komento ang isang kaibigan namin na isang showbiz observer na mukhang “kalakal” ang napaaagang relasyon nina Daniel at girlfriend na si Erich Gonzales dahil sa naturang palabas nahilingan ng binata na mag-guest ang GF.

Napangiti ang kaibigan namin at nagtanong: “‘Di ba ‘yan din ang rason kung bakit nag-split sila ni Heart Evangelista na walang malinaw na dahilan pero nag-leak ang tsismis na manggagamit nga itong si Daniel?

“Baka ganu’n din ang sa kanila ni Erich. Ito na ang simula,” dugtong ng kaibigan namin.

Pero matatanda na sila. Si Erich, alam na rin naman siguro niya kung ano ang tama sa mali. Knows na rin niya at mararamdaman kung nagagamit siya o hindi.

Sa panahon na mas marami na ang girls na costumers sa gay bars at mas nagwawaldas ng kadatungan kaya type sila ng go go boys; modern na rin naman siguro ang pananaw ng dalaga sa pakikipag-relasyon. Keber ang reaksyon ng publiko. Ang mahalaga, masaya siya. Inggit lang talaga kayo sa masaya at “ma-yummy” niyang pakikipagrelasyon sa isa sa mga machong showbiz celebrities natin.

Reyted K
By RK VillaCorta